CHAPTER 37

3.7K 111 3
                                    

Marie's POV

Huling praktis na namin ngayon at bukas na ang pageant. May nagback out dahil natapilok siya. At ang pumalit ay si Cristal, lingid naman na sa kaalaman niya ang ganito kaya wala siyang problema.

"Bae! Rest muna tayo! " sabi ni Kelvin

"Tara! " sabi ko naman at inalalayan ako ni Kelvin na maupo.

Nung isang araw ay sinira ni Cristal ang heels ko kaya nung naglakad ako ay ako naman ang natapilok. Hindi naman siya nakatakas dahil nakita ni Akira ang ginawa niya.

Mabait sa akin si Akira pwera lang sa iba. Magaan daw ang loob niya sa akin. Pinunasan ni Kelvin ang pawis ko at binigyan niya ako ng tubig.

Pagkatapos ng panandaliang pagpapahinga ay nagpraktis nanaman kami.

Nasa talent portion na kami at doon kami nahihirapan. Ako at si Kelvin ay kakanta. Yung iba ang nagsolo na lang. Si Kelvin ang nakaisip nang paraan kaya ayun ang sinunod ni Akira.

Kami na ang susunod kaya nagreready na kami.

Pagkatapos ng isa ay agad kaming pumunta sa harap.

Hawak ko ang gitara at sabay kaming dalawa ni Kelvin na kakanta.

Pagkatapos namin ay sumunod naman ni Cristal na sasayaw.

Magaling din naman siya.

"Mas magaling ka sa kaniya bae! " biglang saad ni Kelvin kaya napalingon ako sa kaniya at hindi siya nanonood kay Cristal kundi sa akin.

"Haha salamat bae! " sabi ko.

"Kahit siya pa ang pinakamagaling sumayaw sa buong mundo! Ikaw parin ang mas lamang sa puso ko. I love you my life, my bae, my everything!" sabi niya saka niyakap ako

"I love you even more, my bae! " sabi ko kaya napangiti siya.

Pagkatapos namin sa talent portion ay pumunta kami sa question and answer portion. Madadali lang naman ang mga tanong kaya di mahirap sagutin at saka praktis lang ito.....

*****

Kelvin's POV

nakangiti ako habang pinagmamasdan si Mitch na seryosong nanonood. Bukas na ang pageant at ready na kaming lahat.

Jung bakit kasi si Cristal pa ang pumalit don sa natapilok eh, kung pwede naman yung isang kaibigan ni Mitch na medyo mataray.

Nung nalaman kong sinira niya ang heels ni Mutch ay sobra akong nagalit dahil sinisiraan niya talaga siya. Gusto ko siyang sapakin that time pero pinigilan ako ni Mitch.

Gustuhin ko man siyang tanggalin pero hindi pwede dahil wala na kaming ipapalit at mahihirapan kami pag nagkataon.

Andito na kami sa canteen, kasama ko si Mitch at Akira, sabay daw kaming kakain dun eh.

" Mitch bakit di mo ayain yung mga kaibigan mo? " tanong ni Akira

"Busy sila eh! " sagot ni Mitch

"Anong gusto niyo? " singit ko

"Yng dati Cousin! " sagot ni Akira at nabaling ang tingin ko kay Mitch

"Ikaw bae? " tanong ko

"Kung ano bibilhin mo, yun na rin akin! " sagot niya. Napangiti naman ako dahil don.

****

Akira's POV

Kasama ko ngayon si Mitch dito habnag hinihintay si Kelvin. Mabait naman pala siya eh, inaamin kong noong una ay natakot ako sa kaniya dahil sa galing niyang makipagsuntukan.

THE CAMPUS NERD Where stories live. Discover now