Someone's POV
Hindi ko maialis ang tingin ko kay Mitch, oo kilala ko nga siya pero hindi niya ako mamukhaan kasi nga sa suot kong salamin. Hindi ko rin matanggal ang ngiti sa aking labi sapagkat nakita ko na siya.
Alam kong nagtataka siya, dahil nakatingin rin siya sa akin. Alam kong iiwasan niya ako para lang mailayo ang kaniyang sarili sa kapahamakan. May mabigat siyang dahilan kung bakit ayaw niyang may lumapit at makipagkaibigan sa kaniya at alam ko iyon.
Umalis na siya dito sa court at pumasok sa room nila. Hindi pa ito ang tamang oras para magpakita kami sa kaniya. Oo, hindi lang ako ang nagbabantay sa kaniya. Ngayon at nakita ko na siya, mas mababantayan ko pa siya. Nakita na rin ng mga kasama ko siya pero ayaw nilang ipaalam sa akin. Mga madadamot.
Malalaman mo rin ang lahat sa takdang panahon. Hindi ngayon ang tamang oras para malaman mo.
Marie's POV
Umalis na ako sa court at nagtungo sa room. Konti pa lang ang andito sa loob at iilan lang ang kilala ko sa kanila. May mga matang nakatingin sakin at batid kong mga babae ang nakatingin sakin ng masama.
May ilang minuto pa bago ang 1st period namin sa hapon which is Science.
Binuklat ko muna ang aking libro saka nagbasa na lang at para narin malibang ako. Madalang lang akong gumamit ng gadgets, ang lagi kong hawak ay mga libro.
Nililibang ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga libro dahil hobby ko na ito simula nung nag-aral na ako dito.
Tss. Buti na lang talaga dahil may isa pa akong salamin sa apartment ko, basag na kasi itong suot ko ngayon eh, nabasag kanina. Kung hindi ako tinulak ng lalaking 'yon kanina ay maayos pa sana ito hanggang ngayon.
Habang nagbabasa ako ay biglang tumili ang mga kaklase kong babae, hindi ko napansin na madami na kami dito sa room.
Nakakarindi yung mga tili nila, bakit ba kasi sila dumaan diyan sa corridor?
Tsk! Baka pupunta sa court para maglaro ng basketball. Hindi ko pinansin at nagbasa na lang ulit.
Pero hindi parin tumitigil ang tilian at mas lalong lumalakas, kaya nag-angat ako ng tingin at medyo nanlaki ang mga mata ko dahil nasa harap ko sila Kelvin, Dave at si Felix.
Ano nanaman kayang problema nilang tatlo?
Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin saka ko binaling ang atensyon ko sa binabasa ko. Saka wala akong oras makipag-usap sa kanila. Bahala nga sila diyan, tumayo sila hanggang gusto nila.
"What did you do to Cristal?" nag-angat akong muli ng tingin saka siya kinunutan ng noo. Who the hell is she?
"Ano namang ginawa ko sa taong hindi ko naman kilala?" tanong ko rito, tinaasan niya naman ako ng kilay. Wow taray, ahitin ko 'yan.
Ngayon ko lang napansing may hawak-hawak siyang isang basong kape at umuusok pa 'to dahil sa init. Hindi ba siya naiinitan diyan?
Hmm, sa bagay makapal ang balat niya. Kasing-kapal ng pagmumukha niya.
"Bakit mo siya sinampal sa canteen? " tanong niya ulit. Umirap ako dahil doon, ngayon ay alam ko na kung sinong tinutukoy niya. That witch, she's the one who slapped me.
"Ang galing niya namang mangbaliktad. Nandito ka ba para sa babaeng 'yon?" maangas kong tanong.
"Miss, sumagot ka na lang ng maayos." lumingon ako kay Dave dahil sa sinabi niya. Napangisi ako saka tiniklop ang librong binabasa ko kanina saka tumayo't inayos ang salamin ko.
YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
RandomA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.