Marie's POV
Pagkatapos kaming magmall ay pumunta naman kami sa isang restaurant. Pagkapasok naming anim dun agad namang hinanap ni Drake ang table 30, nasa 2nd floor kami.
"Ayun yung table natin. Dun tayo, sa may bintana! " sabi niya at nagpaunang pumunta dun, sumunod naman kaming lima at agad na umupo.
Nakaorder na kami at treat daw ni Sharmaine at Heart. Ako sana ang manlilibre pero tinanggihan nila.
Sa kakalingon ko ay nasagib ng mata ko ang lalaking napakapamilyar. Inayos ko pa yung salamin ko pero siya ata yun.
At sakto pagkalingon niya ay nagtama ang tingin namin. It was him, it's Kelvin.
Nakakunot ang tingin niya habang nakatingin sakin. Ako na ang umiwas ng tingin. Kasama niya pala si Dave at Felix."Mitch! Ok ka lang? " tanong ni Sarah
"Yeah! " sagot ko at ngumiti.
Hinintay na lang namin ang order namin hanggang sa dumating na.
*****
Kelvin's POV
Andito kami ngayon sa isang restaurant, kasama ko si Dave at saka si Felix.
Bigla kasing nang-aya si Felix na gumala kami. Kanina lang ay pumunta kami sa park at nung nabored na kami ay dumiretso kami dito dahil gutom na rin kami.
It's already 12 o'clock in the afternoon.
"Dre! Di ba si Mitch yun! " biglang sabi ni Dave. Alam ko namang pinagloloko nanaman ako nito.
Hindi ko siya pinansin.
"Felix di ba si Mitch yun? " baling ni Dave kaya tumingin naman si Felix.
"Oo nga noh! Dre di kami nagbibiro, ayun si Mitch oh!" sabi niya sabay turo.
May nagtutulak sakin na wag tumingin at may nagtutulak naman sakin na tumingin ako.
Wala akong magawa kaya tumingin na lang ako sa tinuturo ni Felix at totoo nga andito siya.
Simple lang ang suot niya.
Teka bat parang andami naman niyang kaibigan? Akala ko ba wala siyang kaibigan maliban kay Nathan.
"Ano namang ginagawa niya rito? " tanong ko
"Ahy putik. Kelvin saan ba tayo? " biglang tanong ni Dave, si Felix naman ay nagpipigil ng tawa.
"Tanga ka ba? Malamang nasa restaurant. Tsss! " sabi ko
"Hahaha! Anong ginagawa sa restaurant? " tanong niya ulit
"Tsk! Kumakain! " sagot ko.
"Hahahahahahaha!!!! " tawa nilang dalawa kaya kumunot ang noo ko
"Anong nakakatawa? " takang tanong ko
"Nababaliw ka na. Haha! Tinatanong mo pa kung ano ang ginagawa ni Mitch dito, malamang kumain. Ano pa nga ba? Hahahahaha! " sagot ni Dave at humagalpak na sila ng tawa.
'Teka! May tinanong ba akong ganun?'
Isip!
Isip!
Isip!
Ayun! Kaya naman pala eh. Tanga ko talaga.
"Pareho kayong baliw. Tumigil nga kayo kakatawa. Tsk! " saway ko.
Tumigil nga sila pero nagpipigil naman ng tawa.
"Pfffftttt!!!!! " Pigil tawa ni Felix.
Dumating na yung order namin kaya kumain na lang kami.

YOU ARE READING
THE CAMPUS NERD
AléatoireA woman hides her true identity from greedy people who wants to kill her to get what they want. She has something important to do and that is to find, retrieve and avenge her twin sister from the people who killed her.