LIE #2

72 10 0
                                    


LIE #2



"Truth or dare?" ilang beses akong napalunok bago ako nakasagot.


"D-dare!" halos pumiyok na yung boses ko nang banggitin ko ang katagang iyon. 


"Itapon mo yung ulo ni Marisol sa basurahan." napatingin ako kay Mae matapos niyang sabihin 'yon. Para akong naputulan ng hininga. Hindi ako makagalaw.


"A-ano?"


"Just do it!"


Mariin akong tumango tsaka dahan-dahang tinungo yung pinanggalingan ng ulo ni Marisol. 


Sh*t! Ayoko na!


Nanginginig ang mga kamay ko nang damputin ko ito. Dali-dali akong nagtungo sa basurahan tsaka ito mabilis na tinapon.


I-im s-sorry.


Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko. Napahagulgol nalang ako. Ayoko ng ganito!


"Ssshhh tahan na." Niyakap ako nina Mae at Antonio.


"You did it!" nakangiting tugon ni Mae kaya napangiti nalang din ako.


"Spin mo na yung bottle." tumango ako tsaka ulit kami bumalik sa puwesto namin kanina.


Nang paikutin ko na ito, saktong tumapat ito kay...






"M-mae."


"Dare." nakangisi niyang sabi. Magsasalita na sana ako nang bigla nalang nagsalita si Cheng.


"Kill your boyfriend!" gulat kaming napatingin sa kaniya. Literal na nawala ang ngisi sa labi ni Mae.


"A-ano?" nagkakandautal na tanong niya.


"Hoy Cheng! Ano bang pinag-sasabi mo?!" inis na sambit ni Mitch. Tinuro ni Cheng yung chalkboard. Pareho kaming nagulat nang makita ang nakasulat dito. 'Kill your boyfriend?'


"Kalokohan!" Sigaw ni Mae. Inis siyang tumayo. "Sinong nagsulat niyan?!" Inis na tanong niya sabay turo sa nakasulat. Walang sumagot. Nanatili lang kaming nakatingin sa kaniya.


"Sumagot kayo!" sigaw niyang muli.


"M-mae." lumapit sa kaniya si Marco, yung boyfriend niya. "Sundin mo nalang."


"Ano?! Hindi ako baliw para gawin yun!"


"Pero baka mapano ka? please babe... J- just do it."


"Ayoko! Ayoko Marco." naiiling niyang sabi.


"Please... hindi natin alam kung ano ang posibleng mangyari sayo kung hindi mo sinunod. Gawin mo nalang. Just... for me." Napahagulgol nalang si Mae. Tumayo ako, ganun din sila. Yayakapin ko na sana si Mae ngunit natigilan ako nang bigla nalang siyang tumalsik palayo. Yun bang parang may humihila sa kaniya.


"Mae!" Sabay naming sigaw lahat. Napahiga si Mae dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga niya sa pader. Dali-dali kaming lumapit sa kaniya.



"M-mae?"


"Mae? ayos ka lang?"


"O-okay ako. Okay ako." nang-hihina niyang sabi sabay ngiti. Hindi na namin napigilang mapaluha.



"Mae ilag!" muli kaming nabalot ng takot nang bigla nalang sumigaw si Cathy.


Hindi na nakailag si Mae nang yakapin siya ni Marco.



Napatakip nalang ako sa bibig ko. Nangangatog na din yung mga tuhod ko.



Si Marco...




M-marami siyang saksak sa likod.




"MARCO!" umalingaw-ngaw sa loob ng classroom namin ang isang napakalakas na sigaw ni Mae.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon