RETURN #38
Napansin kong umigting ang panga ni Kevin dahil sa narinig.
"Pwede bang ipagpaliban muna natin 'yang pag-iimbestiga!? Kailangan nila ang tulong natin." Sambit ni Kevin.
"P-pero kapag gagawin natin yun tiyak mapapahamak tayo." Sabat ni Honey.
"Tama si Honey, nangyari na sa 'tin to dati at halos ikamatay na natin yun. Kung tutulong tayo... tayo naman ang mapapahamak." Asik ni Rhea.
Ginulo ni Kevin ang buhok niya. "Pero nandito na tayo, kung hindi natin sila tutulungan... wala ring mapapala ang pagpunta natin dito!"
"Problema na nila yun Kevin!" Sabat ni Mae sa mataas na tono. Napapikit nalang sa inis si Kevin.
"Bahala kayo!" Inis na sambit niya tsaka kami tinalikuran. Inalalayan niyang tumayo yung babae tsaka sila naglakad palayo.
Pero hindi pa man sila nakalayo...
"Sandali," pigil ko sa kanila. Huminto sila't napatingin sakin.
Huminga ako ng malalim.
"T-tutulong ako" At dahil dun, gulat silang napatingin sakin.
"A-ano?"
"P-pero Sammy--- mapapahamak ka lang" ani April.
"Alam ko." Walang ganang sagot ko.
"Sammy, mag-isip ka naman. Hindi mo alam kung ano ang magiging kapalit ng pag-tulong mo!" Dismayadong tugon ni Ann.
"Alam ko ang ginagawa ko. Mapahamak man ako basta mailigtas ko lang yung ibang tao." Napamaang sila sa sinabi ko.
"Feeling hero." Rinig kong bulong ni Antonio. Hindi ko nalang ito pinansin.
Lumapit ako kina Kevin, tumango siya't ngumiti kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti.
Nilingon ko yung babae, bigla siyang ngumisi dahilan para kilabutan ako ng sobra.
Yung ngisi niya, nakakapanindig balahibo. Nakakatakot.
Hindi ko nalang ito pinansin at muli ko nalang binaling ang tingin kay Kevin.
"Tayo na." Aya niya sakin. Ngumiti ako tsaka nagbuntong hininga.
Muli kong nilingon yung babae sa huling pagkakataon bago kami nagtungo sa classroom.
Hindi ko alam pero iba talaga ang kutob ko sa kaniya. Parang kakaiba.
Ilang saglit lang, natanaw ko na ang dating classroom namin.
Binasa ko ang nakasulat. Room 11 section 4.
Pumasok na yung babae sa loob at naiwan naman kaming tulala ni Kevin sa tapat ng pinto.
Pinilit kong iwakli sa isip ko yung mga ala-alang naiwan namin dito pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang kontrolin ang isip ko.
Napatingin ako kay Kevin, Ilang beses siyang nagbuga ng malakas na buntong hininga. Ginaya ko rin siya at ilang saglit lang, nagulat kami nang bigla nalang bumukas ang pinto at tumambad dito yung babae.
"Wala ba kayong balak pumasok?" Masungit na tugon nito. Bahagya akong natawa.
"P-papasok na." Tarantang sagot ni Kevin. Umirap lang eto tsaka kami tinalikuran.
"Tsk! Ikaw na nga 'tong tinulungan ikaw pa 'tong-- Aray!" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla akong siniko ni Kevin. Arghh kainis! Napairap nalang ako sa kawalan tsaka sumunod kay Kevin.
Pero ganun nalang ang gulat ko nang tumama ang mukha ko sa likod niya. Huminto kasi siya sa paglalakad.
"Arghh Kevin ba't ka ba humi---"
"No way!" Ha? Nagtataka kong nilingon 'yong tinitignan niya at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Nalaglag ang panga ko.
Y-yung mga kasama niya...
Hindi! Imposible!
"Uy! long time no see!" Nilingon ko ang nagsalita.
"J-july?"
MAE POV
Nandito kami ngayon sa ginta ng hallway, pinagmamasdan ang papalayo nang sina Kevin, Sammy at yung babae.
"Bakit? Bakit ganun nalang ka dali sa kanilang tumulong sa iba?" Hindi makapaniwalang tugon ni April.
"Tsk! Feeling hero kasi!" Inis na sabat ni Antonio.
"Hayaan nalang natin sila. Desisyon nila yun kaya wala na tayong magagawa." Ani Ann. Napabuntong hininga nalang ako.
Kung ako ang tatanungin, gusto ko rin namang tumulong. Kaya lang... maaalala ko lang kasi si Marco. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin.
"Kung alam ko lang sanang wala naman palang mapapala ang pagpunta natin dito edi sana hindi nalang ako sumama." Reklamo ni Bella.
"Tsk! Puro kayo reklamo!" Iritadong tugon ni Mark. "Nakakarindi kayong pakinggan." Patuloy niya pa.
Napailing nalang ako. Nagbuntong hininga ako tsaka naglakad palayo sa kanila.
Tinawag pa ako ni Antonio pero hindi na ako lumingon pa. Pagod ako at gusto kong mapag-isa.
Naupo ako sa isang bench malapit sa locker room. Nasa gano'n akong posisyon nang mapako ang tingin ko isang lumang silid.
Bahagya itong nakabukas.
Ewan ko ba pero parang may kung anong puwersa ang nagtulak sakin papasok sa silid na iyon. Namalayan ko na lang ang sariling kong tumayo at naglakad papasok doon.
Pagpasok ko, napasinghap ako nang sumalubong sa akin ang malakas na hangin.
Napagtanto kong ito pala yung library nang makita ko ang limpak-limpak na mga librong nakakalat sa sahig. Maalikabok sa paligid at kinakalawang na ang mga book shelves.
Naalala kong dito kami laging tumatambay ni Marco tuwing vacant time. Maaliwalas at mahangin kasi dito lalo na't nasa tapat ng bintana ang soccer field.
Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Nakakalungkot isipin na hindi na ito yung dating library. Marumi at nakakatakot na ito ngayon. Tuluyan na itong inabandona't pinabayaan.
Napabuntong-hininga nalang ako. Aalis na sana ako nang saktong pagharap ko sa pinto ay tumambad sa harapan ko s-si...
"M-marco?"
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...