LIE #30
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko.
May nagtatawanan...
May nag-aasaran...
At may paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko.
"Sammy! Sammy! Sammy!" Habang patagal nang patagal, mas lalong lumalakas ang bawat bigkas nila sa pangalan ko. Para silang sirang plaka sa sobrang ingay nila.
Kahit nakapikit ako, ramdam kong pinapalibutan nila ako.
"Ang ingay niyo!" Inis na sambit ko kahit nakapikit pa rin ako.
"Gising na kasi! Bahala ka! Pagsisihan mo talaga 'to pag di ka gigising!" Literal na napamulat ang mata ko matapos kong marinig yung sinabi ni Mae.
"Tinatakot mo ba ako Mae?" Sa sinabi kong 'yon, umigting ang tawanan sa buong paligid.
Imbes na mainis ay nakitawa na rin ako.
"Hahahahaha..."
Pero ang lahat ng tawang iyon ay nawala ng parang bula nang makitang unti-unti na silang naglalaho lahat.
Mula kay Marisol hanggang sa kay Michelle. Konti nalang kaming natira.
Yung kaninang kompleto at masayahing seksiyon namin ay napalitan ng lungkot at sakit. Ang tawanan nami'y mabilis na kumupas.
Nabalik lang ako sa reyalidad nang muli akong nakarinig nang putok ng baril.
Dun ko lang napagtanto, nasa ganitong sitwasyon pa pala kami.
Si Mark, binaril niya si Joseph.
"Patawad Michelle. Hindi ko natupad ang pangako ko. Hindi kita nailigtas." Napaluhod siya at saka napahahulgol matapos niyang sabihin 'yon. Lalapit na sana ako sa kaniya ngunit natigilan ako nang marinig ang nagsalita sa speaker.
"Sa mga natitira ko pang mga kaklase, kung naririnig niyo man 'to, bumalik tayo sa unang pinaglaruan natin at doon tatapusin natin ang sinimulan nating laro." Nagkatinginan kaming tatlo matapos naming marinig yung nagsalita sa speaker.
"Wendel. Anong binabalak mo?" Bulong ko.
Hindi kami nag dalawang isip na tumakbo pabalik sa classroom namin.
Pagdating namin dun, naabutan namin àng ibang kasama at ang labi ng mga namatay.
Bumalik sa alaala ko yung mga nangyari kanina. Hindi namin maiwasang maiyak nang makita namin yung isa't isa.
Limang pu kaming naglaro pero labing anim nalang kaming natira. Ibig sabihin lang nun, thirty four yung hindi nakaligtas. Ang sakit isipin na basta-basta nalang silang namatay.
"Kompleto na ba tayong lahat?" Agad kaming napalingon kay Wendel na kakarating pa lamang.
"Wendel! Buhay ka?!" Gulat na tanong ni Jhomark.
"Ay hindi! Naghahalucinate ka lang Jhomark!" Pilosopong sagot ni Mark. Hindi namin maiwasang matawa. Nanganganib na yung buhay namin, pero eto sila't nagawa pang magbiro.
"Tama na ang tawanan. Kailangan na nating tapusin ang laro bago pa man sumapit ang alas dose." Sabi ni Wendel kaya natahimik kaming lahat.
"Umpisahan na natin Wendel." Sambit ni Ann. Tumango lang si Wendel bilang sagot.
Pinagmamasdan lang namin siya ng tingin habang may hinahalungkat siyang bagay sa bag na dala-dala niya.
"Anong hinahanap mo?" Nagtatakang tanong ni Honey.
"Ito." Nilabas niya yung librong matagal niya ng hinahanap tsaka yung... Bote?
![](https://img.wattpad.com/cover/171834528-288-k747524.jpg)
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...