LIE #18
"Nakakatawa." Napatingin ako kay Jay. Sarkastiko siyang tumawa. "Mahirap bang magsabi ng totoo? Kaya walang nakakaligtas sa larong 'to eh. Magsabi lang ng totoo nahihirapan na."
"Sobrang dali lang naman ng larong 'to. Ang problema sa 'tin, ginawa nating mahirap kahit madali lang naman." Sambit naman ni Cathy.
"May point kayo."
Nabaling sa bote ang atensiyon namin nang umikot na naman ito.
"Nakakainis! Kailan ka ba titigil? Hanggang kailan mo ba kami guguluhin?! Pagod na ako!" Bulong ko.
"Narinig ko yun." Nakangising sambit ni Carlo. Tumingin ako sa kaniya tsaka siya nginisihan. "Back off!" Literal na nawala ang ngisi sa kaniyang labi matapos niyang marinig yung sinabi ko.
"Tsk!" Inis na sambit niya tsaka ulit binaling ang tingin sa bote. Napangiti nalang ako.
This time, kay April naman ito tumapat.
"Oh my gosh!"
"Pril!"
"Truth or dare?"
"Natatakot akong mag truth kaya mag dare nalang ako."
"What?! Mas nakakatakot ang mag dare kesa sa mag truth Pril!" Sigaw ni Ann.
"Nasabi ko na eh." Napailing nalang si Ann.
Wala kaming choice. Hindi kami pwedeng magreklamo dahil sarili niya mismo ang nagdesisyon.
Nanliit ang mata ko nang bigla nalang tumunog yung cellphone ni April.
"May tumatawag."
"Sandali, sagutin ko lang."
Tumayo siya tsaka sinagot yung tawag.
"Hello, sino 'to?"
"Sino daw?" Tanong ni Mae.
"Hindi ko alam. Unknown call." Bumalik siya sa pagkakaupo. "Baka wrong call o di kaya prank call. Wala kasing sumagot."
"Baka nga."
Pipindutin niya na sana yung end call nang may bigla nalang nagsalita sa kabilang linya.
Hindi namin alam kong ano yung sinabi sa kabilang linya kasi hindi naman namin narinig.
Nagtaka ako nang bigla nalang nanlaki ang mata niya. Nanginginig ang katawan niya.
"Anong nangyari?"
"Bakit?"
"Sino yung tumatawag?"
Nabitawan niya ang cellphone niya dahil sa sobrang panginginig.
"Pril?"
"Anong nangyari?"
"Sumagot ka Pril!"
Nagulat kami nang bigla nalang siyang tumayo. Dali-dali siyang lumapit sa may teachers table tsaka may hinanap na hindi namin alam.
"Anong nangyari?"
Naguguluhan na kami sa inasta niya. Nagulat kami nang may bigla nalang nagsalita. Yung cellphone niya, may nagsalita sa cellphone niya.
Dali-dali itong kinuha ni Arjames tsaka pinindot yung loud speaker.
"Cut your right ear into pieces!"
Nagulat kaming lahat.
"Ano daw?"
"Cut your right ear into pieces!"
"Cut your right ear into pieces!"
"Cut your right ear into pieces!"
Paulit-ulit na sambit ng tumatawag.
"F*ck! Sino ka ba?!" Inis na sigaw ni Jerico.
"I'll give you 1 minute. Cut your ear into pieces." Nanlaki ang mata ko.
Seryoso?
"Aaaaaaaaaaahhhhhhh!" Gulat kaming napatingin kay April nang bigla nalang siyang sumigaw ng malakas.
Laking gulat namin nang makitang dumudugo na yung kanang tenga niya.
Sh*t!
"Pril! Anong ginawa mo?!" Dali-dali kaming lumapit sa kaniya. Nanginginig ang kamay niyang pinakita sa amin ang isang cutter.
Napatakip ako sa bibig ko.
"Bakit mo ginawa 'to?" Naiiyak na tanong ni Mitch.
"A-ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay!" Nahihikbing tugon niya.
"Hindi ka mamamatay Pril! Magtiwala ka lang."
"Na-natatak-kot ak-ko." Nagulat kami nang bigla nalang siyang nawalan ng malay.
"Pril!"
"Pril gising!"
Nataranta na kaming lahat. Hindi alam kung ano na yung gagawin namin.
"Aaaaaahhhhhhhhhh!" Muli kaming nagulat nang bigla nalang tumili si Mitch.
"Bakit Mitch?"
"Y-yung t-tenga niya. P-putol yung isang tenga niya!" Putol- putol na sambit ni Mitch tsaka may tinuro sa sahig.
Nang tingnan namin yung tinuro niya, laking gulat namin nang makitang nando'n ang isang tenga ni April. Napatakip ako sa bibig ko.
"N-no! Pril!"
Halos masuka ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...