LIE #13
"Wendel?!"
"P-paanong—"
Nagtaka ako sa mga naging reaksiyon ng mga kaklase ko.
Anong nangyari?
Iisa lang ang direksiyon ng tinitingnan nila. Gusto kong matawa sa mga naging reaksiyon nila pero hindi ko magawa.
Hindi ako nakatiis kaya nakitingin na rin ako.
Pero labis nalang ang gulat ko nang makita ko si Wendel. Hawak-hawak niya yung kalahati ng basag na bote habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay James.
"P-paano mo nabasag yung bote?" nagtatakang tanong ni Jeromy. Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ni Jeromy, bigla nalang siyang lumapit kay James.
A-anong gagawin niya?
Naalarma kaming lahat kaya dali-dali kaming lumapit sa kanila.
Pero huli na ang lahat... Kasi nasaksak niya na si James.
"James!"
"What the fuck! Ba't mo ginawa yun Wendel?"
"Nasisiraan ka na ba ng bait?!"
"Bakit mo siya sinaksak?!"
Halo-halo na ang emosyon ko.
Lungkot!
Sakit!
Galit!
At takot!
"Baliw ka ba tol?! Bakit mo ginawa yun? Ba't mo sinaksak ang sarili mong kaibigan?!" sigaw ni Jhomark.
"Run!" sigaw niya dahilan para matigilan kami.
Ano? Pinapatakbo niya kami?
"Nagpapatawa ka ba?!"
"Ano? Pano kami makakatakbo kung nakalock naman yung pinto!"
"I SAID RUN!" Sigaw niyang muli. Hindi na ako nakapagreact nang may bigla nalang humatak sakin palabas ng room.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...