LIE# 34

34 5 0
                                    

LIE #34

Third Person POV

Natigilan ang lahat dahil sa narinig.

"T-tama ba ang narinig ko? tapos na ang laro?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mae sa kasamang si Antonio.

"Tama nga ang narinig mo. Tapos na ang laro. Ligtas na tayo Mae." Natutuwang sambit ni Antonio sabay yakap  sa kaniya.

Sa kabilang dako,  namayani naman ang sigawan.

"Ligtas na tayo. Kyaaaaaahhh!" Nagtatalon-talong sigaw ni Honey.

"Oo nga. Hindi ako makapaniwala." Sang-ayon ni Rhea.

"Ang saya ko." Mangiyak-ngiyak na sambit ni April.

"Pero mas may isasaya pa siguro pag tayong lahat ang nakaligtas." Sabat ni Arjames. Biglang nalungkot ang lahat.

Namayani ang katahimikan sa  paligid, tanging hikbi lamang ng isa't isa ang nagsisilbing ingay.

"Ayos lang yun. Atleast may nakaligtas diba?" Putol ni Ann sa katahimikan. Mabilis na nagsitanguan ang lahat.

"Oo nga. Kaya wag na nga kayong mag drama! Nakakahawa kayo eh!" Maarteng tugon ni Bella sabay punas ng luha niya.

Nagtawanan ang lahat. Ang kaninang iyakan ay napalitan ng tawanan.

"Anong meron? ba't parang ang saya niyo yata?" Biglang dating nina Mae at Antonio.

"Mae! Antonio!" Gulat na sigaw ng lahat.

"Masaya lang kami kasi ligtas na tayo." Nakangiting tugon ni Jeromy.

"Talaga?" 

"Oo. Kayo ba, masaya ba kayo?" 

"Syempre naman. Group hug nga." Sambit ni Antonio. Agad namang nagyakapan ang lahat.

SA kabilang dako, halos patakbong nilakad ni Sammy ang second floor ng building.

Hinanap niya ang mga natitira niya pang mga kaklase. 

Ilang minuto na yung nakalipas pero hindi niya pa rin nakikita ang mga kaklase niya kaya nagpasya nalang siyang umalis.

Aktong aalis na sana siya nang bigla nalang siyang nakarinig ng tawanan mula sa isang silid. Hindi agad siya nagdalawang isip na puntahan ang pinanggalingan ng ingay.

"Sammy!" Gulat ang lahat.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon