LIE #28

34 5 0
                                    


LIE #28

Ilang minuto na akong nakatayo dito sa hallway. 

Nag-iisip kung ano ang dapat kong gagawin.

"Tutunganga ka lang ba diyan?" Agad akong napalingon sa nagsalita.

"Kevin! Ikaw pala."

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Tulala ka na naman diyan. Umalis na tayo dito, baka may makakita pa sa atin." Wala na akong nagawa pa ng hilahin niya na ako paalis.

"K-kevin!" Tawag ko sa kaniya. Saglit siyang napatingin sakin. "Bakit?"

"Naguguluhan na ako. Bakit papalit-palit na nang killer?" Natigilan siya sa sinabi ko. 

"Kasi... Hindi na nabalik sa dati yung bote ." 

"Ano kamo?" 

"Wala nang matitirahan yung masamang espirito kaya naghahanap nalang siya ng mapapasukan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

Kaya pala. 

"Posible bang... Makapasok siya sa atin." Ngayon, siya naman ang natigilan.

"Oo! Dadating din tayo sa puntong yan. Kaya habang maaga pa, kailangan na nating gumawa nang paraan para makatakas. 

Natigilan kami ng makarinig kami nang kalabog mula sa may corridor. Nagkatinginan kaming dalawa. Sabay naming nilapitan ang pinanggalingan ng ingay.

At halos muntik na akong matumba sa nakita ...

Si Cheng. Nakaupo siya sa gilid ng corridor habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nakatahi din ng alambre ang bibig niya. Puno na ng dugo ang buong mukha at katawan niya. Halos hindi ko na siya makilala.

"C-cheng?!" Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko kayang makita siyang ganiyan. 

"Sinong gumawa sayo niyan Cheng?" Tanong ni Kevin. 

"Ang lupit naman nang gumawa niyan sayo."

Napaiyak ako ng makitang nahihirapan na siya. 

Pano ba namin siya matutulungan?

Napaawang ang bibig ko ng makitang may nakasaksak palang matulis na kutsilyo sa may dibdib niya. 

Bakit ngayon ko lang napansin? 

"Cheng..." Hindi ko na napigilan. Napahagulgol na ako ng iyak.

Napatingin ako kay Kevin, pinilit niyang tanggalin yung nakagapos sa kamay ni Cheng kaya't napaungol si Cheng sa sakit.

Wala akong ibang nakita sa mukha niya kundi lungkot at sakit.

Nanghihina na si Cheng at dahan-dahan nang napapikit. Hanggang sa tuluyan na nga siyang naputulan ng hininga.

"Cheng! Cheng gumising ka! Cheng!" Muli akong napahagulgol ng iyak. Nanginginig na ako sa takot. 

Si Cheng, wala na siya. 

"Pano na 'yan Kevin? Hindi natin siya naligtas." Nahihikbi kong tugon.

"I'm sorry. Wala akong nagawa para tulungan siya. Kasalanan ko." Natigilan ako ng makitang may tumulo nang luha sa mga mata niya. 

"Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang makakaya mo."

"Pero----" 

Bigla kaming nakarinig ng tili ng isang babae. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

Ang boses na 'yon. Kilala ko ang boses na 'yon. 

"Honey." Rinig kong bulong ni Kevin.

Napatingin ako sa kaniya ng bigla nalang siyang tumakbo patungo sa direksiyon ni Honey.

"Kevin!" Tawag ko sa kaniya. Susunod na sana ako sa kaniya nang may bigla nalang humila sakin papasok sa isang room. 

"Anong—"

"Ssshhh!" 

"Carlo?" Mahinang bulong ko. Nagulat ako nang may bigla nalang kumalabog mula sa labas. Ay mali! Hindi sa labas nanggaling ang kalabog. Kundi mismo sa pinagtataguan namin.

"Wrong move!" Nanlaki ang mata ko nang may bigla nalang nagsalita mula sa likuran namin. Sabay namin itong nilingon ni Carlo.

"Mark?"

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon