LIE #9

51 7 0
                                    

LIE #9

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko.

"A-anong nangyari?" malumanay na tanong ko sa kanila. Ang sakit ng katawan ko, hindi ako makagalaw.

"Kyaaah gising ka na!" sigaw ni Josephine kaya nabaling sakin ang atensiyon ng lahat . Dali-dali silang lumapit sakin tsaka ako tinulungang makaupo.

"Akala namin hindi ka na magigising."

"Ang swerte mo! Ang lakas ng impact ng pagkakabagsak mo pero wala pa ring nangyari sayo." napangiti nalang ako.

"Ang sakit kaya ng katawan ko."

"Magpasalamat ka kasi 'yan lang ang inabot mo."

"Wow! Thank you!" sarkastiko kong sabi. Nagtawanan lang sila.

Natigil lang sila sa pagtawa nang bigla nalang umikot yung bote. Nagtinginan kaming lahat nang tumapat ito sakin!

"Truth or-"

"Do you wanna know my secret?" nakangisi kong tanong sa kanila. Siguro naman, hindi ako mapapahamak sa gagawin kong 'to. Hindi ako mapapahamak pag magsasabi ako ng totoo.

"Ano?"

"Anong sekreto mo?"

Ngumiti ako. "I'm..."

"You're?"

"I'm the daughter's killer!" Nagulat silang lahat dahil sa sinabi ko. Napaatras sila palayo sakin. Napuno rin ng bulungan ang buong paligid.

"Hindi kapani-paniwala." naiiling na sambit ni Antonio.

"Hindi totoo 'yan!" Sigaw ni Mae.

"Ba't ngayon mo lang sinabi sa 'min?" tanong naman ni Bernadeth.

"Simple lang, wala kasi akong tiwala sa inyo."

"Hindi ko akalaing magkakaroon pala ako ng kaklaseng killer!" tinignan ko ng masama si Ken.

"Ibig sabihin pala nito, killer ka rin?"

"Hindi ako killer! Oo anak ako ng killer pero hindi naman ibig sabihin nun killer na rin ako!"

"Sino ba yung killer sa pamilya niyo?"

"Yung Mama ko!"

"See! Like mother like daughter ang peg niyo!" nakangising sambit ni Kim.

Bwiset siya! Napaka judgemental niya!

"Kung killer ako, Edi sana kanina palang nagulpi ko na 'yang ulo mo!"

"Yabang mo naman! Akala mo matatakot ako sayo? Na matatakot kaming lahat sayo?"

"Hindi ko sinabing matakot kayo sakin. Sino ba naman kasi ako para katakutan niyo? Isang hamak na tao lang din naman ako tulad niyo!"

"Tama siya Kim! Kaya pwede ba tumahimik ka na? Hindi ka nakakatulong eh!" inis na sambit ni Jay.

Napangiti ako nang magsimula na namang umikot yung bote.

Im safe!

"P-paano nangyari yun? Paanong nalampasan mo yung laro?" Gulat na tanong ni Jerald.

"Nagsasabi kasi ako ng totoo. Simple lang naman kasi ang larong 'to, magsabi ka lang ng totoo o di kaya ay sundin mo lang ang gusto nito, para malampasan mo ang larong 'to." nakangiti kong sabi.

"Kung ganon, ready na ako!" Nakangiting sambit ni Joseph. Sa kaniya kasi tumapat yung bote.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon