LIE 20

36 5 0
                                    

LIE #20

Napatingin kami kay Bernadeth nang tumapat ito sa kaniya. 

"Truth or da-"

"Truth." 

"Tell us a secret." Sambit ni Rhea.

"S-secret?"

"Oo."

"Pero wala akong sekreto."

"Lahat tayo may sekreto. Kapag hindi ka nagsasabi ng totoo ,alam mo na kung ano ang mangyayari sayo."

"Sekreto nga diba?! Bakit kailangang pakialaman niyo pa ang sekreto ng ibang tao!" Napataas na ang boses niya kaya natigilan kami. 

"Ayos lang kung ayaw mong sagutin. Nasa sayo na 'yan kung gusto mo pang mabuhay o hindi na." 

"Bakit kasi sa lahat ng pwede mong ipaamin sakin, yung sekreto ko pa?!"

"Bakit ka ba nagagalit? Malay ko bang kinaiingatan mo pala ang sekreto mo!" Napataas na rin ang boses ni Rhea.

"Hey! Relax lang kayo."

"Wag kayong mag-away. Ano ba kayo?!"

"May pa tell us, tell us a secret ka pang nalalaman, eh sekreto nga diba?! Hindi mo ba alam ang salitang privacy?!"

"Di ka na sana nag truth!"

"Ano ba?! Hindi ba kayo titigil?!" Sigaw ni Ann.

"Simpleng bagay ,pinag-aawayan niyo." Sabat ni Mae.

Napailing nalang ako. Tumalikod ako't naglakad papunta sa may sulok.

"Fine! Aamin na ako." Literal na napabalik ako sa puwesto ko kanina matapos kong marinig yung sinabi niya. 

"Ano yun?"

"Nacucurious na ako."

Bumuntang hininga siya tsaka yumuko.

"I'm pre—" hindi niya na natapos yung sasabihin niya nang magsitalsikan ang dugo niya palayo. 

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. 

Pumutok yung tiyan niya dahilan para mag-silabasan ang lamang loob niya. 

Halos masuka ako sa nakita ko. Kung nakakadiri yung kay April mas nakakadiri itong nakita ko ngayon.

"Bern!"

"P-pano nangyari 'to?"

"Kung kailan aamin na siya, saka lang 'to nangyari sa kaniya! Anong klaseng laro ba 'to?!" Sigaw ni Mae. 

Nanginginig ang katawan ko. Hindi ko magawang makalapit sa kaniya. 

Ang bilis ng oras. Nawalan na naman kami ng isa.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon