LIE #4

61 8 0
                                    

LIE #4

"His time is over... And you're next!" Agad na nabitawan ni Joshua ang papel.

Nagulat kami nang bigla nalang umikot yung bote. At tumapat ito sa kaniya.

Naiiling siya habang dahan-dahang napaatras palayo.

"Joshua! Truth or dare?" Bigla nalang siyang tumawa ng malakas.

"Mag truth man tayo o mag dare, wala pa rin tayong takas! Mamamatay pa rin tayo!" may kinuha siyang isang matulis na bagay  mula sa sapatos na suot-suot niya.

Isang hurricane blade?

"Ayoko sanang gawin to eh! Pero ayaw ko rin namang controlin lang nito yung buhay natin. "

"Ano bang ibig mong sabihin? Diretsuhin mo na lang kami Joshua!" Inis na sambit ni Cathy.

Nagulat kami nang sa isang iglap lang ay nakalupasay na si Joshua ngayon sa sahig. Hindi ko alam kung anong nangyari. Masyadong mabilis ang pangyayari.

"Joshua!"

"What the f*ck!"

"Anong ginawa niya?"

Muli kaming nabalot ng takot lahat. Takot dahil tama ang sinabi ni Joshua. Mag truth man kami o mag dare, wala pa rin kaming takas! Mamamatay pa rin kami sa huli!

Maswerte ako. Kasi hindi nangyari sakin yung tulad ng inaasahan ko.

"Siguro nga tanggapin nalang natin ang katotohanan. Ang katotohanan na ito na yung huling hantungan natin. Na dito na tayo mamamatay!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Bernadeth.

"Tama ka." sang-ayon naman ni Jordan.

"Ayoko! Ayokong tanggapin! Hindi pwede 'to! Hindi ako papayag!" Biglang sigaw ni Antonio.

"Anong gusto mong palabasin?" kunot noong tanong ni Jay.

"Gagawa ako ng paraan! Hindi ako basta-basta susuko! Makakalabas ako dito!"

"Ikaw lang? Hindi mo kami isasama?" pabirong tanong ni Carlo.

"Bakit ko naman kayo isasama? Kayo yung dahilan kung bakit tayo nagkaka-ganito. Kayo yung dahilan kung bakit unti-unti na tayong nauubos lahat!" nag-panting ang tenga ko sa narinig ko. Sasagot na sana ako pero naunahan na ako ng iba.

"Hindi namin. NATIN!"

"Mamatay na tayo't lahat-lahat selfish ka pa rin!" sigaw ni Josephine.

"Alam mo? Sana hinayaan ka nalang naming patayin ka ni July! Mas deserved niya pang mabuhay kesa sayo eh!" sigaw naman ni Ann.

Hindi na nakasagot si Antonio. Naiiling nalang ako habang pinagmamasdan siya ng tingin.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon