LIE #8
Hanggang ngayon ay pinagpatuloy pa rin nila yung paglalaro.
Nakakainis sila! Hindi sila marunong makinig.
Nabobored ako kaya pinikit ko nalang ang mata ko. Matutulog na lang ako.
"Do.not .sleep!" literal na napamulat ang mata ko matapos kong marinig ang nakakakilabot na boses na iyon. Isa-isa kong tiningnan yung mga kaklase kong busy pa rin sa paglalaro.
Naningkit ang mata ko. Sino yun? Hindi iyon isa sa mga kaklase ko kasi lahat sila nakapocus sa laro.
Hindi ko nalang ito pinansin. Muli kong pinikit ang mata ko. Nagulat ako nang may bigla nalang sumakal sa 'kin.
Nang tingnan ko ito, laking gulat ko nang makita ang nakakakilabot na mukha ng isang babae.
"Do you wanna die?" nakangising tanong nito sakin. Ayaw bumuka ng bibig ko kaya umiling nalang ako.
Nakakatakot ang mukha niya. Hindi ako makahinga.
"S-si-n-no k-ka?" putol-putol kong tanong sa kaniya.
"I'm the bottle's spirit!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Napaawang ang bibig ko. A-ano daw?
Nagulat ako nang bigla niya nalang akong sinakal.
"Aaaaccccckkkkkk!"
"DIE NOW!" Sigaw niya sabay tapon sakin palayo.
"Aaaaaaaaaahhhhhhh!" rinig kong sigaw ng mga kaklase ko.
...And then everything went black.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...