LIE #17

47 5 0
                                    

LIE #17

"Mamamatay na talaga tayo."

"Nakakainis. Akala ko pa naman ligtas na tayo!"

"Akala ko nga rin eh."

"Hindi ko alam kung bakit nabuo ulit yung bote."

"Hindi naman kasi iyon isang hamak na bote lang." sabat ko sa kanila.

Nagulat kami ng may bigla nalang kumalabog mula sa labas.

"Ano yun?"

"Baka si Wendel."

Napatingin kami kay Jhomark nang bigla nalang siyang lumapit sa may pinto.

"Wag kang lumabas!"

"Bakit?"

"Nandiyan si Wendel diba?! Nandiyan ang killer!"

Pinanliitan niya kami ng mata. "Hindi siya killer! Ano ba kayo?!"

Bubuksan niya na sana yung pinto ngunit hinarangan nila ito.

"Ano ba! Lalabas ako! Pupuntahan ko ang kaibigan ko!" sigaw niya.

"Ipapahamak mo lang ang sarili mo tol!" sigaw naman ni Mark sa kaniya.

"Wala kang pakialam! Buhay ko to! Tsaka isa pa, kaibigan ba talaga kita? Kaibigan ka ba talaga namin?"

"Oo naman. Concerned lang ako sayo tol. Hindi mo alam kung ano ang posibleng gawin niya sayo."

"Concerned? Duwag ka siguro. Natatakot ka na baka patayin ka niya." Hindi nakatiis si Mark kaya tinulak niya ng malakas si Jhomark.

"Ano bang problema mo?! Sinabi ko nang concerned lang ako sayo." ngayon, si Jhomark naman ang gumanti. Tinulak niya rin ng malakas si Mark.

WTH!

Susuntukin na sana ni Jhomark si Mark ngunit natigilan sila nang bigla nalang sumigaw si Ann.

"Magsusuntukan kayo?! Tapos ano! Magpapatayan kayo?! Ano ba kayo! Embes na magtulungan tayong maghanap ng paraan para makaligtas sa larong 'to, nag-aaway-away pa kayo!"

"Tama si Ann, hindi na kayo nahiya. Kalalaki niyong tao eh." sabat ni Jordan.

"Lalaki ka rin naman ah."

"Hindi ako lalaki. Babae ako! Babae!" natawa kami sa inasta ni Jordan.

"Sira!" natatawang sambit ni Jay sabay batok sa kaniya.

"Aray ah!"

Natigil lang ang halakhakan namin ng bigla na namang umikot yung bote.

Nabaling kay Kim ang atensiyon namin nang tumapat sa kaniya yung bote.

"Truth or dare?"

"Truth!"

"Nakapatay ka na ba ng tao?" tanong ni Bella. Natahimik siya kaya nagkatinginan kaming lahat.

"Wala ata siyang balak sumagot." rinig kong bulong ni Mary kay Honey Grace.   Napakibit balikat lang si Honey.

"H-hindi pa noh. Hindi naman kasi ako tulad ng iba diyan na anak ng killer." Literal na napataas ang isang kilay ko matapos kong marinig yung sinabi niya.

"Pinariringgan mo ba ako?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Hindi ba halata?" nagtiim ang bagang ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako ngunit natigilan ako nang bigla nalang tumalsik ang ulo niya palayo.

Nanlaki ang mata ko.

H-hindi siya nagsasabi ng totoo?

Ibig sabihin nakapatay na siya ng tao?

Napatakip nalang ako sa bibig ko. Hindi kapani-paniwala.







DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon