LIE #1

99 12 0
                                    


LIE #1


SAMMY ENRIQUEZ


Mag-aalas nuwebe na ng umaga pero hanggang ngayon wala pa rin ang guro namin. Nakakainip na!


"Spin the bottle tayo guys!" biglang sigaw ni Ann. Ang presidente ng aming klase. Sumang-ayon ang lahat maliban sakin.


Magrereklamo na sana ako nang bigla nalang sumigaw si Antonio, yung bakla kong kaklase. "Bawal ang KJ dito! Kung KJ ka, maaari ka ng umalis!" kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sumali na lamang.


Pumaikot kaming lahat sa gitna ng classroom namin. Na kay Ann yung bote kaya siya yung nagpaikot nito. Nang paikutin niya na yung bote, saktong tumapat ito kay Marisol.


"Oh my gosh. Ba't sa akin?!" Maarteng tugon nito.


"Wala eh, malas ka lang talaga." natatawang sambit ng best friend niyang si Kyle kaya napuno ng tawanan ang buong paligid.


"Shut up Kyle!" -Marisol


"Hahaha..."


"So ano na? Truth or dare?"- Wendel.


"Truth."


"Inosente ka pa ba?" Seryosong tanong ni James. Natahimik kaming lahat at naghihintay sa isasagot niya. Napakasimple lang ng tanong ni James, pero bakit tila nahihirapan pa siyang sagutin eto.  Oo o hindi lang naman isasagot niya. Tch.

"Ano bang klaseng tanong. Syempre oo!" giit niyang sabi. Bahagya akong natawa. Sa panahon ngayon, wala ng inosente sa mundo.


BOGSH!


Nagulat kaming lahat nang bigla na lang sumarado ng malakas yung pinto. Kaniya-kaniya kami ng mga naging reaksyion. Ang iba'y tila natutuwa pa at ang iba nama'y halos atakihin na sa puso.


"Woooohhh! Grabe nagulat ako dun ah." natatawang sambit ni Arjames habang nakahawak sa puso at naghahabol ng hininga. Muling napuno ng tawanan ang buong paligid. 




kaya lang, natigilan kaming lahat ng biglang sumigaw si April. "Aaaaaaaahhhhh!" 



"Anong nang—" napatayo ako bigla nang makita ang nakasulat sa board namin.



'Liar?' naningkit ang mata ko. What was that mean?


"What the f*ck!"


"Sinong nagsulat niyan?!"- Mae.


"Sinungaling ka pala eh!" nakangising sambit ni Kim na animoy nanghahamon pa.


"Anong sinabi mo?!" inis na tanong ni Marisol. Lalapitan niya na sana si Kim pero nagulat nalang kami kasi...











Kasi bigla nalang tumalsik yung ulo niya palayo. Nagsitalsikan yung dugo niya kasabay nun ang pagbagsak ng katawan niya. Napatakip ako sa bibig ko. Nag-uunahan na ring tumulo yung mga luha ko.




A-anong...



"Anong nangyari?"


"B-bakit nangyari yun?"


"Sinong gumawa nun?"


"P-pano n-nangyari yun?"



Halos hindi ako makahinga dahil sa nasaksihan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanginginig na din yung mga tuhod ko.



Nagkagulo kaming lahat.


Nag-iiyakan na yung mga babae samantalang yung mga lalaki naman ay hindi na maiwasang mataranta.


"Bullsh*t! Ba't ayaw bumukas ng pinto!" Sigaw ni Kevin. Pinilit niyang buksan yung pinto pero ayaw talaga nitong bumukas.






Bakit ganito? Naglaro lang naman kami ah!



Napapikit nalang ako tsaka napasabunot sa buhok ko.


Argghhh! Anong klaseng laro ba 'to?!



Pagmulat ko...




Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may nakasulat na sa sahig gamit ang dugo niya.


'Don't mind her! She's a liar! Let's continue, don't quit!'  Nanlamig ang katawan ko matapos kong mabasa yung nakasulat.


"Let's end this bullsh*t game!" sigaw ni Jeromy. Kinuha niya yung boteng nasa sahig tsaka ito tinapon sa may pinto. Ngunit nakapagtatakang hindi manlang ito nabasag.


Bahagya kaming napaatras nang bigla nalang umikot yung bote. Natigilan kaming lahat at naghihintay kung saan ito tumapat.






Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mapagtantong sa akin ito tumapat.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon