LIE #27
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway nang building.
Gabi na pala. Anong oras na kaya ngayon?
Si Wendel? Nakauwi na kaya siya? Naibigay na kaya niya sa lola niya yung libro? Paano kung hindi pa? Pano kami makakatakas nito? Tsaka pano ko naman maililigtas yung iba kung hindi ko naman alam kung sino yung killer sa kanila.
Nahihirapan na ako. Kailan pa ba matatapos ang larong 'to? Kailan pa ba kami makababalik sa normal naming buhay?
Napatingala ako ng mapansin kong may tumutulo sa ulo ko.
Ang lagkit.
Halos mapasigaw ako sa nakita ko.
Si Jyra...
Nakatusok ang ulo niya sa isang matulis na bakal. Pugot ang ulo niya at hindi ko alam kung nasa'n yung katawan niya.
Halos masuka ako sa nakita ko.
"J-jyra..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong naluha't napaluhod.
Walang awa ang gumawa nito sa kaniya.
Hindi ko akalaing dahil sa larong 'yon ay natutunan na nilang pumatay.
Natigilan ako ng maramdaman kong may tao.
Agad akong tumayo tsaka dali-daling nagtago.
Nagtago ako sa may basurahan. Napatakip ako sa ilong ko dahil sa masangsang na amoy ng basurahan.
Nabuhayan ako nang loob ng dumaan sa harapan ko si Arjames. Tatayo na sana ako't lalapit sa kaniya ngunit natigilan ako ng makitang hila-hila niya ang wala nang buhay na katawan ni...
"Jordan?!" Napalakas ang pagbigkas ko sa pangalan ni Jordan kaya't natigilan siya't napatingin sa direksiyon ko.
Hindi ko na nagawang magtago ulit dahil nakita niya na ako.
Binitawan niya si Jordan tsaka dahan-dahang lumapit sakin.Palapit siya nang palapit sakin. Paatras naman ako nang paatras.
"I-ikaw ba... A-ang pumatay sa kaniya?" Nauutal na tanong ko sa kaniya.
Pero iling lang ang sinagot niya.
"Imposible!"
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya! Si Jay!" Nagulat ako sa sinabi niya.
Si Jay? Imposible! Hindi niya yun magagawa sa sarili niyang kaibigan.
"P-pero magkaibigan sila! Hindi niya yun magagawa sa kaniya."
"Ganon din ang akala ko! Pero nagawa niya pa rin." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Ano na bang nangyayari sa kanila? Bakit ba sila nagkaganiyan?"
"Hindi ko alam. Basta mag-iingat ka... Baka ikaw na ang susunod." Kinabahan ako sa sinabi niya.
"Susunod na maging ano?"
"Maging killer!" Napakurap ako sa sinabi niya.
Oo nga, pano kung maging killer ako? Anong gagawin ko?
"Tinatakot mo ba ako?" Tapang-tapangang tanong ko sa kaniya.
"Hindi! Sinasabi ko lang yung totoo!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya sa harapan ko. Pinagmasdan ko lang siya nang tingin habang naglakad palayo sakin.
Kung magiging killer man ako... I'd rather kill my self than to kill them.
Kaya kong isakripisyo ang sarili ko, mailigtas ko lang yung ibang tao.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...