LIE #10

56 7 0
                                    

LIE #10

"Truth or dare?"

"Dare!" akala ko ba magtru-truth siya?

"Bakit... Hindi truth yung pinili mo?" tanong ni Jumell.

"Eh sa trip ko mag dare eh,"

"Siraulo!" natawa lang si Joseph.

"Ano na? Kating-kati na ako dito oh!"

Walang nagsalita samin. Lahat kami nakatingin lang sa kaniya.

"Ano ba 'yan, tutunganga lang kayo diyan?"

"Are you willing to kill us?" napatingin kami kay Cathy nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Anong klaseng tanong 'yan? Tsaka ano ba, dare ang pinili ko hindi truth! Bingi ka ata eh!"

"Alam kong dare ang pinili mo. Pero mahirap bang sagutin yun? Hindi naman ata diba?"

Napabuntong hininga si Joseph, "Oh sige, gusto mong malaman ang sagot ko? Oo!" A-ano daw?

"Ano?"

"Willing ko kayong patayin kung yun naman ang iuutos sakin."

"Kahit ako pa yan?" tanong ni Jumell, yung bestfriend niya.

"Oo, masama?"

"H-hindi naman."

"Ano na?! Tagal naman!" reklamo niya.

Wala pa ring nagsalita sa'min. Magsasalita na sana ako nang makarinig kami ng parang may nagsusulat sa blackboard namin.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Ano yun?" tanong ni Jay.

"Tignan mo na lang Jay!"

"Yoko nga!"

Napalunok ako tsaka dahan-dahang tumingin sa blackboard.

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

'Smash your bestfriend's head!'

WTF!

Agad na napatayo si Jumell!

"N-no way!" inis na sigaw niya. Dahan-dahan siyang napaatras nang lumapit sa kaniya si Joseph. "D-don't you dare!"

"Wala akong choice. Kailangan ko 'tong gawin. I'm sorry."

"Sorry mo mukha mo! Subukan mo lang lumapit sakin, hindi ako magdalawang isip na basagin 'yang bungo mo!"

"Kung talagang bestfriend mo ako, hayaan mo akong gawin ko 'to sayo!"

"Gago ka! Kung talagang bestfriend mo ako hindi mo gagawin sa akin 'to!"

Tahimik lang kaming nakikinig sa kanila. Natatakot ako. Natatakot ako na baka ganon din yung mangyari sa'min nina Mae at Antonio.

"Kung buhay lang din naman natin ang nakataya, kailangang sarili lang natin ang iisipin natin."

"Ang selfish mo!"

"Alam ko."

Napapikit nalang ako. Nakakapagod ang larong 'to. Nakakainis!

Nagbuntong hininga ako tsaka idinilat ang mata ko. Pero wrong move ata yung ginawa ko. Pinagsisihan kong dinilat ko ang mata ko.

Si Jumell. Nabagsakan siya ng ceiling fan kaya basag yung ulo niya. Nagsitalsikan yung dugo niya palayo... At ganon din yung utak niya.

Nagsigawan kaming lahat. Halos masuka ako sa nasaksihan ko.

"J-jumell!"

Si Joseph. Si Joseph sana yung nasa kalagayan niya ngayon kung hindi niya lang ito tinulak.

Niligtas niya ang kaibigan niya.

"J-jumell! B-bakit mo naman ginawa yun? Ba't mo 'ko niligtas? Argggghhh!" naiiyak na sambit ni Joseph.

Napatingala nalang ako. Ang sakit. Nabawasan na naman kami ng isa.

Nagulat ako nang may bigla nalang humawak sa mukha ko. Hindi! pinunasan niya ang luha ko. Hindi ko manlang namalayan umiiyak na pala ako.

Napatingin ako sa kaniya. "Mae." umiiyak rin pala siya tulad ko. "Naalala ko na naman siya." nahihikbing sambit niya. Ngumiti ako tsaka pinunasan ang mukha niya.

"Ang dungis mo. May dugo ka pa sa mukha." natatawang sambit ko. Mas lalo akong natawa nang pabiro niya akong hinampas.

"Kainis ka! Kaya nga ako lumapit sayo kasi akala ko icocomfort mo ako."

"Asa ka! Layas nga!" tumayo siya. Sisipain niya na sana ako pero buti nalang at nahila ko siya paupo. "Joke lang. Geh iyak na."

"Wag na. Pagtawanan mo lang ako eh."

"Hindi na." nakangiting sabi ko sabay yakap sa kaniya.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon