LIE #24
Tahimik kaming bumalik sa upuan namin.
Walang nagsalita. Lahat kami apektado sa nangyari.
Bakit ganito? Bakit kailangang mangyari pa sa 'min 'to.
Anong gagawin namin para makatakas kami sa larong 'to?
Napasinghap ako nang umikot na naman yung bote.
Dahan-dahan itong huminto kay Mark hanggang sa tumapat na nga ito kay Jerald.
"Truth or dare?"
"Wala!" Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Ha?"
"Bakit?"
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makipaglaro sa boteng iyan!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Maghanda na kayo!" Sambit niya dahilan para maalarma kaming lahat.
"Ha?"
"Hoy Jerald! Ano bang pinagsasabi mo diyan?!" Inis na sigaw ni Cheng sa kaniya.
"Gusto niyong makatakas diba?" Pinanliitan ko siya ng mata.
Anong ibig niyang sabihin?
"At dahil mahal ko kayo, pagbibigyan ko kayo." Naalarma kami ng pulutin niya yung bote.
"Jerald! Kung ano man 'yang binabalak mo, wag mo nang ituloy ,pwede?" Sabi ni Kevin.
"Buo na desisyon ko."
"Jerald!" Ganon nalang ang gulat ko nang marinig ang tunog ng nabasag na bote.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinila ko si Mae palabas ng classroom at sabay kaming tumakbo dalawa.
"Sandali lang." Tumigil siya sa pagtakbo kaya napatigil na rin ako.
"Bakit Mae?"
"Yung bracelet ko." Tarantang sabi niya.
"Ha? Yung alin?"
"Yung bracelet ko. Bigay sakin yun ni Marco."
"Ano? Pano na 'yan?"
"Mauna ka na. Babalikan ko lang yun saglit."
"Ano? Wag Mae. Mapapahamak ka lang."
"Ayos lang. Yun nalang ang tanging ala-ala namin ni Marco. Ayokong pati yun mawala sakin." Aalis na sana siya pero buti nalang at nahawakan ko ang braso niya.
"Mae. Mas importante ang buhay mo kesa sa bagay na 'yon."
"Pero importante sakin yun."
"Makinig ka sakin Mae."
"Mauna ka na. Wag kang mag-alala sakin kaya ko na ang sarili ko." At tuluyan na nga siyang umalis.
"Mae!" Susunod na sana ako sa kaniya pero nagulat ako nang may bigla nalang humila sakin papunta sa pinakadulo ng building.
"Ano ba! Anong gagawin mo sa— Wendel?" Kumabog ng malakas ang puso ko. Sh*t nahuli ako ng killer. Napalunok ako.
"Lumayo ka sakin Wendel!"
"Hindi na ako killer."
"Pano naman ako makakasigurado?"
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Tumalikod siya't naglakad palayo. Sumunod naman ako sa kaniya.
"Oo na. Naniwala na ako."
"Mabuti."
"Sa'n tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya ng mapansing nasa pinakadulo ng paaralan na kami.
"Wendel!" Tumigil ako sa paglalakad. Tiningnan niya ako. Kinilabutan ako ng makitang nanlilisik ang mata niya.
"Bakit ka huminto?" Nakangising tanong niya sakin. Hindi ako sumagot.
"Wag mo sabihing... Natatakot ka sakin?" Humagalpak siya ng tawa.
"Hindi noh! Nagtaka lang ako kasi... Papasok ba tayo sa gubat?" Binatukan niya ako.
"Aray ah!"
"Of course not. Lumayo lang tayo ng kaunti sa building."
"Bakit naman?"
"Baka makita tayo ng killer." Napatango nalang ako. Muli kaming naglakad palayo sa building na iyon.
"Ahhhhhhhhhhhhh!" Natigilan kami ng makarinig kami ng sigaw mula sa building.
Boses ni Mitch yun ah.
"Tulungan natin sila Wendel."
"Hindi pwede. Mapapahamak tayo pareho kapag gagawin natin yun."
"Pero—"
"Diba gusto mo silang tulungan?" Tumango ako.
"Then follow me, I'll tell you everything."
Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod na lamang.
Umupo kami sa may bench. Tiyak akong walang makakita samin dito kasi malayo ito sa building.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya.
"Tungkol sa larong 'to."
"Bakit? May alam ka ba kung paano matapos ang larong 'to?"
"Don't jump into conclusion. Simulan natin sa umpisa."
"Okay."
"Alam mo ba, "
"Hindi."
"Wag ka nga munang sumabat!"
"Eh nagtanong ka eh,"
"Hindi ako nagtatanong! Patapusin mo muna kasi ako."
"Galit ka na niyan?" Sinamaan niya lang ako ng tingin. Bumungisngis ako saka sumenyas na magpatuloy.
"Alam mo ba kung bakit ako nag-aral dito?"
"Kasi maliit lang yung bayad ng tution?" Patanong na sagot ko sa kaniya.
"Hindi!"
"Eh ano?"
"Kasi may pinapahanap si lola sakin." Pinapahanap?
"Ano?"
"Isang lumang libro na naglalaman ng mga spell tungkol sa mga masasamang espiritu." Ahhh kaya pa-- teka?
Natigilan ako ng may naalala akong isang pangyayari.
"Yung libro!" Sigaw ko dahilan para magulat siya.
"Bakit?" Tarantang tanong niya.
"Anong kulay ng librong yun?"
"Kulay pula."
"Kulay pula... Diba dugo yung---"
"Yun nga! Pano mo nalaman? Nakita mo ba yun? Sa'n mo nakita?" Sunod-sunod na tanong niya.
Bumuntong hininga ako. "Sa library, nakita namin ni Antonio yun nung pumunta kami---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin niya ako papuntang library.
"NASA'N na?"
"Hindi ko alam, nandito lang yun nung isang araw eh." Hinalungkat namin ang buong shelves pero wala talaga kaming nakitang gano'ng libro
"Pano na 'yan? Pano natin matatapos ang larong 'to." Napakagat labi nalang ako.
"Wala na talaga tayong pag-asa." Nanghihinang sambit ni Wendel. Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Siguro nga tanggapin ko nalang na dito na talaga kami mamamatay.
"Ito ba yung hinahanap niyo?" Nagkatinginan kami ni Wendel matapos naming marinig ang pamilyar na boses nang isang lalaki.
No way!
Agad kaming napalingon sa nagsalita. At tama nga ako. Hindi ako nagkamali.
"Buhay ka?... Marco?"
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...