RETURN #36SAMMY POV
It's been 3 years simula nung mangyari 'yon. Ayoko na 'yong maalala, bumabalik lang sakin yung takot at sakit.
Kasalukuyan nga pala akong naglalakad ngayon patungong classroom namin. Second year college na kami at magkaklase pa rin kami hanggang ngayon.
Pagdating ko sa classroom, naabutan ko silang nagkukumpulan at tila may seryosong pinag-uusapan.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Takang tanong ko sa kanila. Sabay silang napatingin sakin.
"Oh Sammy, ikaw pala."
"Ah oo. Ano nga ulit pinag-uusapan niyo?"
"Naisipan kasi naming imbestigahan yung nangyari sa 'tin 3 years ago." Seryosong sabi ni Kevin at dahil dun biglang sumikip ang dibdib ko. Bigla nalang nanumbalik sakin yung takot at sakit sa trahedyang nangyari sa'min nun.
"You mean, babalik kayo sa paaralang 'yon?"
"Tama, ano sama ka?" Sambit naman ni Carlo.
"Imbestigahan? Pero matagal na yun ah? Kalimutan niyo nalang yun."
"Ano ba naman 'yan Sammy. Ang kj mo naman eh!" Inis na sabi ni Mark.
"Oo nga naman." Sang-ayon nila.
"Natatakot lang ako. Pa'no kung mangyari ulit 'yon? Pa'no kung sa pagkakataong 'to hindi na tayo makakaligtas? Anong gagawin natin? Mamamatay nalang tayo ng ganun-ganun nalang?!"
"Uso move-on Sammy. Relax! Hindi mangyayari 'yang iniisip mo." Pagpapakalma sakin ni Antonio.
"May point naman si Sammy eh. Pano kung mangyari ulit yung nangyari sa 'tin dati? Pano kung hindi na talaga tayo makakaligtas? Pano kung—"
"Napaparanoid lang kayo Honey. Mag-iimbestiga lang naman tayo eh!" Sigaw ni Wendel.
"Pero tatlong taon na ang nakalipas. Sa nagdaang dalawang taon, nanahimik lang kayo kaya akala ko nakalimutan niyo na yung nangyari!" Sigaw ko.
"Bakit ganiyan ka makareact? Wag mo sabihing hindi mo pa nakalimutan yung nangyari?" Natahimik ako sa sinabi ni Mae.
MAE POV
Sa totoo lang, ayaw ko naman talagang sumama eh.
Maaalala't maaalala ko lang si Marco. Pero kasi miss ko na siya eh. Gusto kong puntahan 'yong lugar kung saan kami unang nagkakilala.
"Fine! Papayag na ako." Sabay kaming napatingin kay Sammy nang bigla nalang siyang nagsalita.
"Talaga?"- Ann.
"Totoo?"- Arjames.
"Oo nga "
"Ayos!"- Mark.
At sa wakas napapayag na rin namin siya.
NANDITO kami ngayon sa bus station naghihintay ng masasakyang bus.
Napansin ko si Sammy na tahimik lang na nakaupo sa bench. Lumapit ako sa kaniya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko. Balisa siyang napatingin sakin.
"Ah o-oo naman. Kinakabahan lang ako."
"Wag ka nang kabahan. Trust me walang mangyayaring masama sa 'tin." Sabi ko sabay ngiti. Ngumiti rin siya pero halatang peke lang.
"Ayan na yung bus!" Sigaw ni Rhea. Tumayo ako't nauna nang pumasok sa loob ng bus.
SAMMY POV
Nakatayo lang ako dito sa tapat ng bus. Walang balak umalis.
"Sammy! Ano pang hinihintay mo. Hali ka na." Tawag nila sakin. Tumango ako't nag buntong hininga.
Aktong papasok na sana ako sa loob nang may bigla nalang bumangga sa'king tatlong babae dahilan para masubsob ang mukha ko sa semento. Nagmadali silang pumasok sa loob.
Inis akong tumayo. Argh! Di ba sila marunong tumingin sa dinadaanan nila? Kainis!
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo miss." Inis na binaling ko ang tingin sa isang lalaking nakaharang sa harapan ko ngayon. Napataas ang isang kilay ko. Ako pa talaga ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko eh ako na nga 'tong nasaktan.
"Pwede ba. Wag ka ngang paharang-harang sa daan! Tabi nga!" Inis na sambit ko tsaka siya nilagpasan. Pagpasok ko sa loob, agad akong umupo sa pinakadulong upuan.
Kasabay ng pag-andar ng bus ang pag-bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam pero iba talaga ang kutob ko dito. Parang... Parang may mangyayaring hindi maganda.
"Ayos ka lang?" Nagulat ako nang may bigla nalang nagsalita sa tabi ko. Yung lalaki pala kanina.
"O-oo naman." Sagot ko.
"Natatakot ka?"
"H-hindi ah."
"Sinungaling." Ano bang problema ng lalaking 'to? Inuubos niya na ang pasensiya ko.
"Hindi ako nagsisinungaling! Nag-sasabi ako ng totoo kaya pwede ba manahimik ka nalang! You're so annoying!" Inis kong sigaw sa kaniya. Nagulat naman siya sa biglaang pag sigaw ko. Maya-maya lang , kumunot ang noo ko nang bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Baliw ba 'tong lalaking 'to?
"Nakakatuwa ka. Ang bilis mong mapikon." Natatawa-tawa niyang sabi. Napataas naman ang isang kilay ko.
"Salamat sa compliment!" Sarcastic kong sabi.
"Walang anuman" Nakangiti niyang sabi. Ngingiti na din sana ako, kaso yung ngiti niya mapang-asar. Bwiset!
Napabuntong hininga nalang ako tsaka binaling ang tingin sa labas ng bintana. Naningkit ang mata ko nang makitang masukal na gubat na 'tong nadaanan namin.
T-teka? P-paanong napunta kami dito? Paanong ibang lugar na 'tong nadaanan namin?
Nilingon ko yung driver, tahimik at abala siya sa pagdadrive. Bakit parang wala manlang siyang kaalam-alam sa nangyari?
Napabuntong hininga nalang ako. Tama sila, masyado lang siguro akong paranoid.
Muli kong nilingon 'yong lalaki, nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin rin pala siya sakin. Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
Napalunok ako nang dahan-dahan siyang lumapit sakin. Parang isang pulgada nalang ang pagitan naming dalawa.
Napapikit nalang ako.
"Huwag ka nang matakot. Nandito lang ako, hindi kita papabayaan." At dahil dun, gulat akong napadilat ng mata.
"Huwag ka nang matakot. Nandito lang ako, hindi kita papabayaan."
"Huwag ka nang matakot. Nandito lang ako, hindi kita papabayaan."
"Huwag ka nang matakot. Nandito lang ako, hindi kita papabayaan."
Dugdugdugdugdug.
Tulala lang ako at parang hindi pa rin nag sisink-in sa isip ko yung sinabi niya. Namalayan ko nalang, nakaalis na pala siya.
Paano niya ako matutulungan kung dito palang umalis na siya.
"Hoy Sammy! Tulala ka diyan?" Muli akong nabalik sa reyalidad nang bigla nalang nagsalita si Antonio.
"H-ha?"
"Wala. Hali ka na kamo, nandito na tayo." Biglang nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. "Oh? ba't parang gulat na gulat ka yata?"
"H-hindi ah. Excited lang ako. Hali ka na nga." Tumayo na ako't hinila siya palabas ng bus.
"Wow! Parang kanina lang, reklamo ka nang reklamo! Tsk!" Natawa nalang ako.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...