LIE #25
"Buhay ka?... Marco?"
Lumapit siya samin. "Yes, I am."
"Pero pano?" Nagtatakang tanong ni Wendel.
"Saka na ako magkwento kapag nakatakas na tayo dito. O ito, bigay mo na 'to sa lola mo." Nakangiting sabi niya sabay abot ng libro kay Wendel.
"Salamat,"
"Ibigay mo na 'yan sa lola mo Wendel, kami na ang bahala dito."
"Sige, mag-ingat kayo."
"Ikaw rin." At tuluyan na nga siyang umalis.
"Marco. Hanapin mo na si Mae at ako na ang bahala sa iba."
"Sige."
Sabay kaming naglakad sa hallway ni Marco pero panandalian lang yun kasi nagkahiwalay kaagad kami ng landas.
"Nasa'n na ba sila?" Bulong ko habang naglalakad sa firstfloor ng building.
Paakyat na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Mitch. Muntik pa kaming mahulog pareho dahil nagkabanggaan kaming dalawa.
"Mitch? Anong nangyari? Bakit duguan ang mukha mo?" Tarantang tanong ko sa kaniya.
"H-hinahabol niya ako."
"Ha? Sino?"
"S-si---" hindi niya na natapos yung sasabihin niya nang may bigla nalang bumangga sa kaniya dahilan para tuluyan siyang mahulog sa hagdan.
"Mitch!" Sigaw ko. Napatakip nalang ako sa bibig ko nang kumalat ang kaniyang dugo sa sahig.
Inis kong binaling ang tingin sa bumangga sa kaniya.
"Rhea!" Nanggagalaiiting sigaw ko sa kaniya.
"S-sorry. H-hindi ko sinasadya."
"Anong hindi?! Nakita mo ba yung ginawa mo?! Dahil sayo kaya siya namatay!"
"I'm sorry. I'm really really sorry. H-hindi ko sinasadya. Hindi ko kayo nakita." Nahihikbing sambit niya.
Lesbian si Rhea. Isa siya sa mga matapang na taong kilala ko. Pero hindi ko inakalang ang lahat ng tapang na iyon ay mawala nang parang bula dahil dito.
"Naiintindihan kita. Alam kong hindi mo sinasadya yun." Nakangiting sabi ko.
"Salamat." Nagulat ako nang bigla niya nalang akong niyakap nang mahigpit.
"Nandiyan lang pala kayo!" Sabay kaming napalingon sa 2nd floor ng building nang may bigla nalang nagsalita.
"Bella?" Nanindig ang balahibo ko ng makita ang nanlilisik niyang mga mata.
"Rhea! Isa na ba si Bella sa mga killer?" Tanong ko sa kaniya habang kay Bella pa rin nakatingin."Oo. Naguguluhan na nga ako kung sino ba talaga yung killer."
"Bakit?"
"Kasi... Papalit-palit ng killer." Gulat akong napatingin sa kaniya.
"Anong sabi mo?!"
"Aalis na ako. Kung ayaw mo pang mamatay, wag kang manatili dito. Wag kang magpakita sa iba dahil hindi mo alam... Baka killer na pala sila." Umalis na siya matapos niyang sabihin ang bagay na iyon. Naiwan naman akong tulala.
Hindi ko alam pero hindi pa rin nag sisink-in sa isip ko yung mga pinagsasabi niya.
Nabalik lang ako sa huwestiyo ng makaramdam ako nang hapdi sa kanang braso ko. Nang tingnan ko ito, laking gulat ko nang makitang may saksak na ako gamit ang isang matulis na gunting.
The f*ck! Sinong gumawa nito?
"Aalis na ako. Kung ayaw mo pang mamatay, wag kang manatili dito. Wag kang magpakita sa iba dahil hindi mo alam... Baka killer na pala sila." Si Rhea, siya lang yung pinaghihinalaan kong gumawa nito sakin.
Ibig sabihin, sinadya niya lang ding ihulog si Mitch?!
Damn! Ang galing namang umarte ng lesbian na yun.
Killer is everywhere, ika nga!
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...