LIE #19
"Hindi niyo ba napansin?" Napatingin kami kay Mae nang bigla nalang siyang nag salita.
"Ha?"
"Ang alin?"
"Na habang tumatagal mas lalo tayong pinapahirapan ng larong 'to."
Napaisip ako. Oo nga, habang tumatagal mas lalo kaming pinapahirapan ng larong 'to.
Kasalukuyan nga pala naming ginagamot si April ngayon. Napadaing siya sa sakit.
Naiiyak ako sa kalagayan niya ngayon. Haist, bakit kasi nag dare pa siya? Hindi sana siya aabot sa ganito.
Napatingin ako kay April. Ngayon ko pa lang napansin, gising na pala siya.
"Ayos ka na ba Pril?"
"O-oo. Y-yung naputol kong tenga? N-nasan na 'yon?" Putol-putol na tanong niya.
"Tinapon namin." Sambit ni Arjames.
"Ano?!" Halos pumiyok na yung boses niya nang banggitin niya yun. "Sa'n niyo tinapon?" Tumayo siya.
"Sa basurahan Pril." Dali-dali siyang nag tungo sa basurahan.
"Pril. Wag mo sabihing ibabalik mo yun sa tenga mo?" Natatawa-tawang sambit ni Antonio. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero hindi ko magawa.
"Hindi niyo ba naisip?! Nakasalalay do'n ang buhay ko. Mamamatay ako kapag hindi ko yun puputulin!"
"Pero putol na yun. Naputol mo na yun Pril."
"Hindi pa! Hindi pa sapat yun. Kailangan ko 'yong pira-pirasuhin, dahil kung hindi ko 'yon magawa, mamamatay ako pag nagkataon." Buhay ni April ang nakataya kaya kailangan namin siyang tulungan.
Binuhos niya lahat ng basura sa sahig.
Umalingasaw sa loob ng classroom ang baho kaya agad kaming napatakip ng ilong.
"Ang baho."
Natigilan siya nang makita niya na yung hinahanap niya, ganon din kami.
Nanginginig ang kamay niyang pinulot ang naputol niyang tenga.
Gusto kong mandiri sa ginawa niya, pero mas nangingibabaw pa rin ang awa ko.
Napaawang ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ng tadtarin niya ang tenga niya gamit ang isang itak.
Kailan pa nagkaroon ng itak dito?
Napatakip nalang ako sa bibig ko.
Napahagulgol siya ng iyak matapos niyang tadtarin ang tenga niya.
Lalapit na sana kami sa kaniya ngunit natigilan kami ng bigla nalang umikot 'yong bote.
"I-im safe."
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...