LIE #23
Napalunok ako.
Dahan-dahan kong nilingon ang direksiyon ng tinitingnan nila.
Paglingon ko, literal na nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Paanong?
Paano nangyari yun? Bakit hindi manlang nabasag yung bote?
Ang lakas ng pagkakatalsik nun, pero bakit wala manlang nangyari?
Ewan ko ba? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa kasi hindi nabasag yung bote, makakaligtas kami o malulungkot kasi hindi nabasag yung bote, wala kaming pag-asang makatakas.
Kumalabog ng malakas ang puso ko ng bigla nalang itong umikot. Ito nanaman kami!
Napatingin kami kay Mary nang tumapat ito sa kaniya.
"Mary." Naiiyak na sambit ni Honey.
"Inasahan ko na 'tong mangyari." Nakangiti niyang tugon.
"Pero pano kong—"
"Dare!"
"Mary!"
"Kill your self!" Nakangising sambit ni Mae.
"Ano?!"
"Mae!"
Natawa siya sa naging reaksiyon namin.
"Just kidding." Natatawa-tawang sambit niya.
"Hindi nakakatawa Mae." Inis kong sabi sa kaniya.
"Eh sa natawa ako eh!" Napairap nalang ako. Nagbago na talaga siya.
"Total ayaw mo na namang patayin 'yang sarili mo, ganito nalang, basagin mo 'yang bote."
"Ano?!"
"Mae!"
"Nasisiraan ka na talaga ng bait Mae!"
"Im not! Gusto ko lang talagang makalabas."
"I rather kill myself than obey your command." Mataray na sambit ni Mary.
"Then, kill yourself! We don't f*cking need you!" Sigaw ni Mae.
"Mae! Wala kang karapatan para utusan siya!" Inis na sigaw ni Honey sa kaniya.
"Meron! Kasali ako sa walang kwentang larong 'to kaya may karapatan akong utusan siya!"
"You changed a lot Mae. Parang hindi ka na namin kilala." Natahimik siya sa sinabi ni April.
"Oo nga Mae. Ang selfish mo na ngayon. Wala kang ibang inisip kundi ang sarili mo lang. Hindi na ikaw yung dating Mae na kilala namin." Sabat naman ni Cheng.
"Oo na. Aminado akong naging selfish ako. Pero ginawa ko lang naman yun kasi natatakot ako, natatakot ako na baka ako na yung susunod." Napaiyak siya matapos niyang sabihin yun. "Ayokong mamatay ng ganon-ganon na lang."
"Mae. Hindi ka naman nag-iisa eh. Nandito kami, kaya wag kang matakot." Nakangiting sambit ni ArJames.
"Talaga?"
"Oo."
"Okay. Sabi niyo eh." Napangiti ako ng tuluyan nang mawala ang takot na nararamdaman ni Mae.
Ngunit agad lang din iyong napawi ng makarinig kami ng kalabog mula sa pinakasulok ng classroom.
Nagkagulo kaming lahat. Sabay naming nilapitan ang pinanggalingan ng kalabog.
Ng makalapit kami,
"Mary!" Literal na nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Sh*t Mary!"
"Mary!"
Si Mary, nakalupasay siya sa sahig. Nakakasuka ang itsura niya at tirik ang mata niya.
Napatakip nalang ako sa bibig ko.
"Kadiri!"
Nakakakilabot.
"M-mary." Iyak ni Honey.
Why so cruel.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...