LIE #26
Paika-ika akong naglakad papuntang clinic. Kailangan kong gamutin 'tong sugat ko, mamaya niyan ma-infect pa 'to.
Nang marating ko na yung clinic, maingat akong pumasok sa loob.
Naghanap muna ako nang pwedeng igamot sa sugat ko bago ako umupo sa kama.
Nang saktong gagamutin ko na ang sugat ko, nagulat ako ng bigla nalang tumambad sa harapan ko si...
"A-ann. Ikaw pala."
"Sorry. Nagulat ba kita?"
"Hindi naman. Kanina ka pa ba diyan?"
"Ah o-oo. Kanina pa ako dito."
"Pasensiya na hindi kita napansin."
"Ayos lang. Gusto mo tulungan na kita?"
"Sige ba,"
Umupo siya sa tabi ko tsaka sinimulang gamutin ang sugat ko.
"Ang lalim naman nang sugat na 'to." Aniya habang patuloy pa rin sa paggamot nang sugat ko.
"Oo nga. Pakiramdam ko nga ay naubusan na ako ng dugo."
"Kawawa ka naman." Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
Ng matapos niya nang gamutin ang sugat ko, tumayo na siya't umalis sa harapan ko.
Pinagmamasdan ko lang siya ng tingin habang may hinahalungkat siyang bagay sa aparador.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya pinansin ang tanong ko kaya nanahimik nalang ako.
Haist. Kumusta na kaya yung iba? Ayos lang kaya sila?
"Hmmm, pengeng pabor." Napatingin ako sa kaniya ng bigla nalang siyang nagsalita.
"Sige, ano yun?"
"Nakita mo ba yun?" Sabi niya sabay turo sa isang kulay puting bote na nasa taas nang aparador na nasa harapan ko.
"Oo. Bakit?"
"Maaari mo ba 'yong iabot sakin?'
"No probs," tumayo ako't lumapit sa aparador. Tumingkayad ako para makuha yung bote.
Nang makuha ko na ito, ibibigay ko na sana 'to sa kaniya ng mapagtanto kong isa pala itong asido.
Delikado 'to ah? Anong gagawin niya dito.
Humarap ako sa kaniya. Nagdalawang isip na ibigay sa kaniya yung asido.
"Akin na."
"A-anong gagawin mo dito?"
"Gagamitin."
"Saan?"
"Ba't ba ang dami mong tanong?!" Napataas na ang boses niya kaya natahimik ako. Bumuntong hininga ako tsaka binigay sa kaniya yung asido.
"Ibibigay lang din pala dami pang satsat." Bulong niya pero rinig ko naman.
Tumikhim ako tsaka lumayo ng kaunti sa kaniya.
Muli akong umupo sa kama.
"Wag kang magpakita sa iba dahil hindi mo alam... Baka killer na pala sila." Naalala ko na naman yung sinabi ni Rhea.
Ba't ngayon ko lang naalala? Aishh kainis naman!
Palihim ko siyang pinagmasdan ng tingin.
Pano kung... Killer na pala siya? Paano ko idedepensa ang sarili ko?
Tumayo ako't aktong aalis na ng bigla nalang siyang nagsalita,
"Kung akala mo'y killer na ako... Diyan ka nagkakamali. Pinaabot ko lang sayo 'tong asido para may idepensa ako sa sarili ko hindi para ibuhos sayo." Natahimik ako sa sinabi niya. Inaamin ko, pinaghihinalaan ko siya. Pero masisisi niyo ba ako?
Haist. Nagui-guilty tuloy ako.
Tumango ako't tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...