RETURN #41

22 5 0
                                    


RETURN #41

MAE POV

Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Naguguluhan na ako at parang sasabog na ang utak ko sa sobrang gulo.

Gustuhin ko mang magtanong pero hindi ko magawa, natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring isagot nila sakin.

Kasi...

Ayaw kong tanggapin. Hindi ko matanggap kung ano man 'yon.

Kasalukuyan kaming nagtatago ngayon sa isang lumang laboratoryo.

Nakakainis nga eh kasi imbes na magsaya kami dahil kompleto na ulit kami, eto kami't nagtatago. Taliwas ito sa inaasahan ko.

Nilingon ko ang mga kasama ko,

At isang nakakabinging katahimikan lamang ang namayani sa buong paligid. Walang nagsalita, walang kumibo. Lahat ay lutang at tila lumilipad ang isip.

Gusto kong sumigaw mabasag lamang ang nakakabinging katahimikan pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Pvcha! Ba't ganito ang nangyayari?

Mas lalo lang nilang pinapabigat ang tensiyon sa pagitan naming lahat eh. Kainis!

Napapikit nalang ako't dinama ang hanging bumabalot sa katawan ko. Hindi ko alam pero habang dinadama ko ang hangin, pakiramdam ko ay nakakulong na naman ako. Ang sikip sa pakiramdam.

“Wala na si Bella...” basag ni Rhea sa katahimikan. Idinilat ko ang mata ko tsaka binaling ang atensiyon sa kaniya, ganun din ang iba.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi manlang ako nagulat. Siguro dahil sanay na ako. Sanay na akong mawalan.

Tahimik lang kaming nanunuod sa kaniya habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“Pinatay siya ni Kim at wala manlang akong nagawa para iligtas siya.” patuloy niya pa habang hindi na maawat sa pagtulo ang luha niya.

Pinatay siya ni Kim? Pero “Imposible!” hindi ko alam na napalakas pala ang pagkasabi ko nun kaya nabaling sa akin ang atensiyon ng lahat.

“Bakit Mae?” Nagtatakang tanong ni Ann.

Mabilis akong umiling, “W-wala.” sabi ko nalang at naglakad na patungo sa pinto. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin nila't umalis na.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid nang makalabas ako. Nagbuga ako ng malakas na buntong hininga bago tuluyang umalis.

Habang naglalakad ako, doble ang kaba at takot na nararamdaman ko. Hindi ako dapat nakaramdam ng ganito kasi wala naman akong sapat na dahilan para matakot sa mga taong dahilan ng pagbalik ko dito.

Pero bakit?

Bakit patakbo ko nang nilakad ang hallway ng building? Bakit nagpalinga-linga ako sa paligid at hiniling na sana walang makakita sakin? Bakit nanginginig ang buong kalamnan ko? Bakit—

Hindi ko namalayang may makakasalubong pala ako kaya nabunggo ko ito. Napapikit nalang ako kasabay nun ang sabay naming pagbagsak  sa sahig.

Gusto ko siyang sigawan dahil ang tanga-tanga niya. Hindi siya marunong tumingin sa dinadaanan niya. Pero imbes na gawin yun, mas pinili ko nalang tumayo at mabilis na naglakad palayo sa kaniya. Ni hindi ko tinignan ang itsura niya. Dahil natatakot ako. Mahirap na, baka killer na pala siya.

Pero kahit gaano pa kabilis ang paghakbang ko, naabutan at naabutan niya pa rin ako.

Hinarap ko siya pero isang malutong na sampal lang ang natanggap ko. Tangina ang sakit. Parang humiwalay ang mukha ko sa katawan ko. Muli ko siyang hinarap at isang malutong na sampal lang ulit ang natanggap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon