RETURN #37

11 5 0
                                    

RETURN #37

Nandito kami ngayon sa harapan ng gate, pinagmamasdan ang dating paaralan namin. Tulala lang ako habang pinagmamasdan ang malaking karatula na nakasabit sa gitna ng gate. May nakasulat ditong, Bawal pumasok!

"Bawal pumasok? Pfffttt. Ang duduwag naman ng mga tao dito." Natatawa-tawang sambit ni Bella.

"Wow! Nagsalita ang hindi duwag!" Sabat naman ni Honey.

"FYI, hindi ako duwag! Baka ikaw?"

"Tse!"  Napailing nalang ako. Luma na at kinakalawang na ang gate kaya sigurado akong madali lang kaming makakapasok dito. Hahakbang na sana ako papasok ng gate pero natigilan ako nang bigla nalang nagsalita si April. "Parang dati lang kompleto pa tayong lahat... Pero ngayon hindi na."  Parang biglang nadurog yung puso ko.

Naalala ko na naman sila. Naalala ko na naman yung mga taong minsan ng bumuo sa buhay ko. Hindi ko namalayan, nag-uunahan na palang tumulo yung mga luha ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.

"Nandito tayo para mag-imbestiga hindi para alalahanin ang mapait na nakaraan." Sambit ni Kevin na nauuna ng naglakad. Tama siya, hindi kami nandito para alalahanin ang mapait na nakaraan.

Muli kong pinunasan ang luha ko na hindi na maawat sa pagtulo tsaka sumunod kay Kevin.

Habang naglalakad kami sa hallway, napakapit kami sa isa't isa nang bigla nalang umihip ang napakalakas na hangin.

"Woooohhh! Nagulat ako dun ah." natatawa-tawang sambit ni Arjames. Natawa nalang din kami.

"Ngayon ko lang napagtanto, pangit mo palang magulat. Pfffft" natatawa-tawang sambit ni Honey. Umugong ang  malakas na tawanan ng mga kasama ko. Pfffft.

"Gago mas pangit ka! Hahahaha!"

"Mas pangit ka!"

"Wag na nga kayong magbangayan mamaya niyan kayo pa mag katuluyan eh." Pang-eecheos ni Rhea.

"Eww!/ Yuck!" Sabay silang nag-react 

"Hahahahahaha!"

Napatigil kami sa pagtawa nang bigla kaming nakarinig nang tili mula sa second floor ng building. Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Bigla nalang akong kinabahan.

Nagkatinginan kaming lahat. Sa tingin palang namin, alam na namin ang ibig sabihin ng isa't isa.

Nagsitanguan kami tsaka sabay-sabay na tumakbo patungo sa pinanggalingan ng ingay.

Pagdating namin dun, naningkit ang mata ko nang makita ang isang babae. Takot na takot siya at umiiyak habang tumatakbo papalapit samin.

Anong nangyari? Bakit takot na takot siya? Tsaka anong ginagawa niya dito?

Nung saktong paglapit niya samin, nagulat kami kasi...

Kasi bigla nalang tumalsik yung ulo niya palayo.

Nanlaki ang mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko, ganun din ang mga kasama ko.

Dahan-dahang nagbagsakan ang mga luha ko nang maalala ko yung nangyari kay Marisol.

Tuluyan na akong nanghina't napaluhod nang marinig ang isang nakakabinging sigaw ng isang babae mula sa likuran namin.

"Hindiiiiiiiiiii!"

Kasabay ng paglapit nito sa babae ang pagdurog ng puso ko. Hindi ko alam pero sobrang nasasaktan ako sa nakikita ko.

Namalayan ko nalang, yakap-yakap na pala ako ni Mae.

"Hali ka na." Bulong niya sabay punas ng luha ko gamit ang likod ng palad niya. Ngumiti ako't tumayo na kami.

Akmang aalis na sana kami nang  bigla nalang nagsalita yung babae. "W-wag kayong umalis. T-tulungan niyo kami. Tulungan niyo ang mga kasama namin." At dahil dun, nagkatinginan kaming lahat. Kasama? May kasama pa sila?

"May kasama ka pa?" Gulat na tanong ni Rhea.

"O-oo. N-na trap sila sa iisang room." Imposible!

"P-pero pano nangyari yun? Bakit sila natrap?" Tanong ni Ann. Hindi agad ito nakasagot kaya nagsalita si Carlo. "Imposible namang mangyari sa inyo 'to ng walang dahilan. Sabihin mo, anong nangyari?"

"H-hindi ko alam. Naglaro lang kami ng spin the bottle t-tapos nagulat nalang kami nang bigla nalang tumalsik yung u-ulo ng kaibigan ko palayo." Spin the bottle? T-teka?

IBIG SABIHIN NANGYARI RIN SA KANILA YUNG NANGYARI SAMIN DATI?

Gulat kaming nagkatinginan lahat.

"Hindi maaari!" Bulong ni Mae. Parang biglang namanhid ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Nasa'n sila ngayon?" Tanong ni Kevin.

"Nandun sila sa room number 11 section 4." Nanlaki ang mata ko, ganun din ang mga kasama ko. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang marinig ko yung sinabi niya.

Ang room na tinutukoy niya ay ang room namin dati. Ang room kung saan unti-unti kami nitong pinapatay. Ang room kung saan maraming mga masasayang ala-alang babaunin ko habang buhay.

"A-ano? R-room number 11 section 4?!" Gulat na tanong ni Wendel.

"I-imposible 'yang sinasabi mo! Tapos na ang laro!" Galit na tugon ni Mark. Nagulat kami nang bigla nalang itong humagulgol ng iyak.

"P-parang awa niyo na tulungan niyo ang mga kaibigan ko. Mababaliw na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko!" Umiiyak na tugon nito.

"Paano namin kayo matutulungan kung maging kami hindi alam kung ano ang  gagawin namin." Sagot ko na siyang nag-patulala sa kaniya. "Naranasan na rin namin 'yan dati at kahit anong gawin namin nun, wala na kaming ibang magawa kundi ang tanggapin nalang ang katotohanang hindi na kami makakaligtas pa." Patuloy ko pa. Bigla nalang nagsipasukan sa isip ko yung mga paghihirap na dinanas namin nun.  Tulala lang eto at hindi na nakapagsalita pa.

Ilang saglit lang, nagulat kaming lahat nang bigla nalang kaming nakarinig ng kalabog mula sa di kalayuan.

"Wala na tayong oras, kailangan natin silang tulungan." Pagkatapos iyong sabihin ni Kevin ay agad na siyang naglakad patungo sa pinanggalingan ng ingay. Ngunit natigilan siya nang biglang humarang si Antonio.

"Pero nandito tayo para mag-imbestiga hindi para tumulong sa iba!" Sigaw ni Antonio. Bahagya akong natawa.

Hindi ko akalaing hanggang sa ikalawang pagkakataon sarili pa rin niya ang iniisip niya.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon