LIE #6
Napupuno na ng dugo ang buong classroom namin. Maging kami ay naliligo narin ng dugo.
Ayoko ng dugo! Takot ako sa dugo! Pero anong magagawa ko?
"Alam niyo ba? Alam niyo ba kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to?" napatingin kami kay Carlo nang bigla nalang siyang nagsalita.
"Sino?" sabay-sabay naming sagot.
"Siya!" sigaw niya sabay turo kay Ann.
Saglit kaming natigilan lahat.
"Alam ko. Kasalanan ko. Pero hindi ko naman inasahang ganito ang mangyari. Hindi ko inasahang..." Hindi niya na natuloy yung sasabihin niya kasi napahagulgol na siya ng iyak.
"It's all my fault." Nabaling kay Wendel ang buong atensyon namin nang bigla nalang siyang nagsalita.
"What do you mean?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Yung bote!"
Ha?
"Bakit? Anong meron sa bote?" kunot noong tanong ni Cathy.
"Ang boteng iyon ang siyang may pakana ng lahat."
"Ano?"
"Pano nangyari 'yon? eh isang hamak na bote lang naman iyon."
"Hindi iyon isang ordinaryong bote lang!"
Anong pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan!
"Hindi ordinaryo?"
"Oo. Ang boteng iyon ang siyang pag-mamay-ari ng lola ko."
"Talaga?" tumango lang si Wendel.
"Sinabi niya sakin nun na bawal ko raw itong gamitin."
"Bakit naman?"
"May demonyo raw kasing kumokontrol dito."
"Waahhhh!"
"Oh my gosh!"
"Katakot naman!"
Bahagya akong natawa sa mga naging reaksiyon ng mga kaklase ko.
"Tinawanan ko lang ito kasi hindi ako naniwala." patuloy niya. Maging ako. kung ako yung nasa posisyon niya, di rin ako maniniwala.
"Kaya ngayon, labis na ang pag-sisisi ko."
"Wala kang dapat pag-sisihan. Nangyari na ang nangyari. Ang kailangan nalang nating gawin ay ang tanggapin ang katotohanan." Sambit ni Kevin.
"Tama!" sang-ayon nila.
"Tanggapin? Yun na lang yun? Hindi tayo gagawa ng paraan?" tutol ko.
"Anong magagawa natin? Unti-unti na tayo nitong pinapatay! Wala na tayong magagawa!" sambit naman ni Mae.
"Ang bilis niyo namang sumuko!" inis na sigaw ko.
Hindi pwede 'to! Kailangan naming makagawa ng paraan.
"Eh anong gusto mong gawin namin? Wala na nga tayong pag-asa eh! Wala na tayong magagawa!" sigaw ni Kyle.
"Akala niyo lang yun! Akala niyo lang wala! Pero meron! Meron tayong magagawa pag magtutulungan tayo! Makakasurvive tayo! Makakatakas tayo dito!" saglit silang natigilan.
"Pano? Try mo nga!" nakangising sambit ni Arjames. Tumiim ang bagang ko nang bigla nalang silang tumawa ng malakas.
Mga baliw na ata sila.
"Ituloy na natin ang laro. Nabobored na ako!" Natatawang sambit ni Mark.
Naiiling nalang ako.
#292 in Horror ranking
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...