LIE #31
Bahagya kaming napaatras nang makita namin yung bote.
Pano nangyari 'to? Paanong naging buo ulit ito? Akala ko ba nabasag na nila 'to? Pero bakit? Bakit nagawa pa rin nitong bumalik sa dati?
"Makinig kayo. Ang boteng ito ang siyang boteng ginamit natin sa pag-lalaro. Naging buo ulit ito kasi may binanggit akong spell." Spell?
"Anong klaseng spell?" Kunot noong tanong ni Cathy.
"Returned spell."
"Pero ba't mo binalik sa dati?! Sinadya nga namin 'tong basagin para hindi na tayo mamamatay lahat!" Sigaw ni Rhea.
"Kung hindi ko ito ibabalik sa dati, tayo naman ang magpapatayan!"
"Naguguluhan na ako. Parang sasabog ang utak ko sa sobrang gulo!" Sigaw ni Bella.
"Kailangang mabalik na sa bote yung masamang espiritu para matapos na ang lahat."
"Ano? Hindi pa nakabalik sa bote yung masamang espiritu?" Gulat na tanong ni Ann.
"Anong... Ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ko kay Wendel.
"Ang ibig kong sabihin... Isa pa sa atin ang killer!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagsimula naring manginig ang tuhod ko.
Nagkagulo kaming lahat. Lumayo sa isa't isa.
"Sino ang killer?" Kinakabahang tanong ni April. Pero walang sumagot.
"Sumagot kayo! Sino ang killer?" Tanong niyang muli. Pero wala pa ring sumagot.
"Malamang killer 'yan. Hindi niya ilalaglag ang sarili niya." Sambit ni Antonio. Tama siya. Sino ba naman kasing killer ang kayang ilaglag ang sarili niya.
"Ako!" Gulat kaming napatingin kay Marco.
"Ano?"
"M-marco? A-ano bang sinasabi mo diyan?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Mae.
"Ako ang killer!"
"Ano?"
"Binuhay niya ako para patayin kayong lahat. Para guluhin iyang mga isip niyo!" Nagulat kami sa sinabi niya. Maging si Mae ay napaatras palayo sa kaniya.
"Kalokohan!" Sigaw ni Mae.
"Hahahaha..." Sarkastiko siyang tumawa. "Hindi ko akalaing mahuhulog pala kayo sa bitag ko. Sa bitag namin!"
"Ano?!"
"Naniwala kayong paiba-iba na ng killer kaya pati yung mga inosenteng tao... Pinatay niyo!" Nakangisi niyang sabi.
"Wala kaming pinatay! Sila mismo ang nagtangkang pumatay sa amin!" Sigaw ni Kevin.
"Kitang-kita mismo ng mga mata ko na sila ang killer at hindi ikaw! Wag mo kaming gaguhin Marco!" Sigaw ko sa kaniya. Saglit siyang natahimik.
"Hindi sila ang killer! Dahil tulad niyo... Nahulog lang din sila sa bitag namin."
"Hindi ako naniniwala. Hindi mo ibibigay sa amin yung libro kung killer ka." sambit ni Wendel.
"Kasi kasama yun sa plano ko. Kung hindi kita pinaalis edi balewala lang lahat." Nakangisi niyang sabi.
"Kung ganon, edi patayin nalang kita!" Nagulat kami nang bigla nalang tinutukan ni Mae ng baril si Marco.
Sa'n niya nakuha iyang baril?
"Mae!"
"Papatayin mo ako?" Nakangising tanong ni Marco. Ba't nagawa niya pa rin kaming ngisihan? Tinatakot niya ba talaga kamii?!
"Oo!" Sigaw ni Mae sa kaniya.
Seryoso?
"Si Marco 'yan Mae! Hindi mo kayang gawin 'yan sa kaniya!" Sigaw ko.
"Pano kung kaya ko?! Hindi na siya si Marco baka nakalimutan niyo! Kalaban na natin siya at kung hindi natin siya papatayin... Tayo naman ang mamamatay!"
"Pero Mae—"
"Bago mo magawa 'yan, kayo muna ang uunahin ko!" Nagulat kami nang sa isang iglap lang ay sakal-sakal na ni Marco si Mae habang tinutukan ito ng baril.
"M-marco!"
"Bitawan mo siya Marco. Bitawan mo si Mae."
"Why would I?"
"Kasi girlfriend mo siya!" Saglit siyang natigilan.
Tinulak niya si Mae dahilan para masubsob ang mukha ni Mae sa sahig. Hindi na nga talaga siya si Marco.
"Mae! Okay ka lang?" Tinulungan namin siyang makatayo.
"Oo. Okay lang ako."
"Gusto niyo pang mabuhay? Sige, pagbibigyan ko kayo. Bibigyan ko kayo ng limang segundo para makatakas." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano?"
"Isa!"
"Ano ba?!—"
"Dalawa!"
"Mar—"
"Tatlo!"
"Takbo!"
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...