LIE #3
Tahimik at tanging yung malalakas na hikbi lang ni Mae yung naririnig ko. Lalapit na sana ako sa kaniya nang bigla nalang umikot yung bote.
Natigilan kaming lahat at naghihintay kung saan ito tumapat.
This time, kay Kent naman tumapat 'yong bote.
"Nice!" Aniya.
"Truth or dare?"
"Truth!"
"Do you have an experienced about sex?"
"Not yet!" Napapikit nalang ako nang magsitalsikan 'yong dugo niya palayo.
He lied!
"Tama na! Ayoko na!" napatingin ako kay Honey Grace nang bigla nalang siyang sumigaw. "Ayoko na! Natatakot na ako!" sigaw niyang muli. Napahagulgol siya ng iyak kaya hindi rin namin maiwasang mapaiyak.
"I'm sorry. Kasalanan ko." nakayukong sambit ni Ann.
"Wala kang kasalanan Ann. Lahat naman tayo ginusto 'to eh. Kaya panagutan natin ang larong 'to. Walang susuko! Laban lang." Aniyang April kaya napangiti ako. Kinuha niya yung bote tsaka ito pinaikot.
Saktong tumapat ito kay July.
"Truth or dare?"
"Dare!" walang nagsalita sa 'min.
"Ano na?" inis na tanong niya. Sabay na nabaling ang atensiyon namin sa isang tuping papel na bumagsak sa balikat niya. Kinuha niya ito tsaka tahimik na binasa 'yong nakasulat.
Naalarma ako nang bigla nalang siyang tumingin kay Antonio.
"Antonio."
"Y-yes?"
"Can I kill you?" Parehong nanlaki ang mga mata namin nang banggitin niya 'yon.
"Ano?"
Dali-dali akong lumapit kay July tsaka mabilis na inagaw yung tuping papel.
'Kill your classmate named Antonio.'
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. No! He can't be!
"Ano ba kasi 'yong nakasulat?" nagulat ako nang bigla nalang inagaw ni Mae 'yong papel.
"Oh no!"
"Antonio! Pumayag ka na please. Ayoko pang mamatay!" Pag-mamakaawa ni July.
"Hayaan mo muna akong mag-isip July! Ayoko ring mamatay!" napakagat labi nalang ako. Nasasaktan ako sa nakikita ko.
"Kill your self instead July!" Sigaw ni Rhea.
"RHEA!" sabay-sabay naming sigaw lahat.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Relax! Parang nag suggest lang eh." natatawang sambit niya. Napailing nalang ako.
"Hindi magandang suggestion 'yon!" Inis na sambit ni Josephine.
"Sabi ko nga."
BLAG!
Ganon nalang ang gulat namin nang bigla nalang nabagsakan ng isang matigas na bagay si July. Hindi ko alam kung anong klaseng bagay iyon basta ang alam ko lang matigas at mabigat 'yon.
"Aaaaaahhh!"
"Julyyyyyyyyy!"
Napaluhod nalang ako dahil sa sobrang panghihina. Unti-unti na talaga kami nitong pinapatay. Anong klaseng laro ba 'to? Bakit ganito? Bakit?
Napatingala ako nang makita ang isang tuping papel na dahan-dahang nahulog sa sahig.
Agad itong kinuha ni Joshua. Malakas niyang binasa ang nakasulat. "His time is over... And you're next."
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...