LIE #35
Para akong nabunutan ng tinik nang makitang ligtas ang iba sa mga kaklase ko.
Buhay sila. Ang saya ko!
"Sammy!" Agad nila akong sinalubong ng yakap.
"Sammy. Akala namin patay ka na. Akala namin hindi ka na nakaligtas." Nag-aalalang sabi sakin ni Mae.
"Akala ko rin yun. Alam niyo ba, nagpakita sakin kanina yung masamang espiritu."
"Ano?" Gulat na tanong nila.
"Seryoso?"
"totoo?"
"Oo. sinakal niya pa ako ng sobrang higpit. Akala ko nga katapusan ko na kanina eh. Pero buti nalang at nakawala ako."
"Grabe. Sa'n ka humugot ng tapang?" hindi makapaniwalang tanong ni Carlo.
"Oo nga. Kung ako yung nasa posisyon mo kanina, naku! Siguradong katapusan ko na." Sambit naman ni honey Grace.
"Sa totoo lang, natatakot na talaga ako nun. Sobrang takot na takot na ako. Pero ewan ko ba kung saan ako humugot ng tapang kanina basta ang alam ko lang natalo ko siya at doon natapos ang laro."
"Woah! Grabe hindi ako makapaniwala." Hindi makapaniwalang sambit ni Rhea.
"Napansin mo bang may tila bumubulong sayo?" Tanong ni Kevin.
"Oo. Pano mo nalaman?" takang tanong ko sa kaniya.
"Habang nasa bingit ka ng kamatayan kanina kasama ang espiritung yun, may paulit-ulit kaming binabanggit na spell at yun yung dahilan para matalo mo siya. Para matapos na ang laro." Ngayon, ako naman ang nagulat.
"Pano nangyari yun?"
"Mahabang kwento. Hali na kayo't mag si-alisan na tayo." Sambit ni Jhomark. Nagsitanguan naman kaming lahat.
NAKALABAS na kami ng gate. Napapikit ako nang sumalubong sa amin ang malamig na hangin. Pakiramdam ko tuloy para akong nakakulong ng halos isang taon.
"Sana naman ay nagsisilbing aral na sa atin ang larong yun. Don't lie if you don't want to die." napangiti ako sa sinabi ni Ann.
"Hindi lang 'yan. Kailangan rin nating sundin yung inutos ng mga mas nakakatanda sa 'tin." Sambit naman ni Antonio.
"Oo na. Dami niyong sinasabi inaantok na ako." Reklamo ni Mark.
"Oo nga. Mag-uumaga na oh!" Sang-ayon ni Arjames.
"Puro kayo reklamo, hali na nga kayo!"
... At tuluyan na nga kaming umalis.
1 YEAR LATER
Isang taon na pala ang nakalipas simula nung mangyari yung trahedyang yun.
Sa isang taon, mas lalong umigting ang samahan naming magkakaklase. Dumating pa nga kami sa puntong halos magkasama na kami sa iisang bahay.
Nga pala, gagraduate na nga pala kami ngayon ng senior high school with flying colors.
Ang bilis ng oras noh? Parang kahapon lang nangyari pa sa amin ang insidenteng yun, tapos ngayon , Ito't gragraduate na kami.
"Congratulations graduate." Rinig kong sambit ng nagsalita sa speaker. Nagsitayuan ang lahat ng graduates. Umulan ng mga graduation caps kasabay nun ang sigawan at iyakan naming mga graduates.
Ngayong tapos na ang laro, ibig sabihin tapos na rin ang aming kwento.
"Picture tayo dali!" Sigaw ni Ann. Agad naman kaming sumang-ayon at nagpose lahat.
"In 1... 2... 3..."
*Click*
"Wacky naman guys!"
"Sige. Isa... dalawa..."
Someday, We will comeback and continue our journey.
"Tatlo!"
*Click*
To be continued.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...