RETURN #39

9 3 0
                                    

RETURN #39

SAMMY POV

Totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi ba ako naghahallucinate lang?

Pero imposible! Hindi sila mabubuhay ng walang dahilan.

Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Mababaliw na ata ako!

"Matagal namin kayong hinintay." Gulat akong napatingin kay Mitch nang banggitin niya ang katagang iyon. "Akala namin hindi na kayo babalik. Akala namin... tuluyan niyo na kaming kinalimutan." Patuloy niya pa. Hindi ko alam pero nung mga oras na iyon, bigla nalang akong nasaktan. Aminado kasi akong pinilit ko silang kinalimutan. Hindi ko namalayan, nag-uunahan na palang tumulo yung mga luha ko.

"Bakit namin kayo kakalimutan kung naging parte na kayo ng buhay namin." Wika ni Kevin.

"Pero tatlong taon kaming naghintay bago kayo bumalik."

"S-sino ba naman kasing mag-aakala na b-buhay pala kayo."

"Kasi hindi niyo naman inalam! Simula nung nag-graduate kayo... tuluyan na kayong umalis dito. Umalis kayo ng wala manlang paalam!" Sigaw ni Mildred.

"Kasi nga akala namin patay na kayo!" Sigaw ko pabalik sa kanila. Bigla nalang silang tumawa ng malakas. Iyong malademonyong tawa.

"Sinong tanga ang mamamatay dahil lang sa simpleng laro." Napamaang ako sa sinabi ni Joshua.

Ano?

Naguguluhan na ako!

"AHHHHH NAKAKABALIW!" Biglang sigaw ni Kevin. Muli silang tumawa ng malakas. Ang sakit sa tenga. Nakakarinding pakinggan.

"Anong nangya--- Ha?!" Nabaling ang atensiyon naming lahat kina Ann na kakarating palang. Napako sila sa kinatatayuan nila at gulat na gulat ang mga mukha nila.

"B-buhay kayo?"

"Nagulat ba kayo Ann?" Nakangising tanong ni Kyle.

"P-pa'nong---"

"Bago kayo magtanong, uunahan na namin kayo." Nanlilisik ang mga matang tugon ni July. "Hindi kami namatay! Uulitin ko, HINDI. KAMI. NAMATAY!"

Kung hindi sila namatay-- sino yung mga bangkay na nakasama namin nun?

"Imposible! Kitang-kita mismo ng mga mata namin kung paano kayo unti-unting pinapatay!" Naiiling na tugon ni Jhomark.

"Nilinlang lang kayo ng larong 'yon Jhomark!" Sandaling namayani ang katahimikan.

Hindi! Imposible!

"Nandito na rin pala kayo." Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Mae pala. Kasama niya si Marco.

"Sa'n kayo galing?"

"Diyan lang sa tabi-tabi." Nakangiting tugon ni Mae. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ngayong kompleto na ulit tayo... Siguro naman pwede na tayong mag-laro ulit. Diba?" Nakangising tugon ni Marisol.

Laro? Anong klaseng laro?

Walang sumagot sa 'min maliban kay Mae. "Sige ba. Game ako diyan." Naningkit ang mata ko.

Nagkatinginan kami nina Ann, Kevin at yung iba pa naming kasama, sabay na napailing.

"Silence means yes ika nga. So pano ba 'yan, tuloy ang laro!" Nakangising ani Jay.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon