LIE #15

44 5 0
                                    

LIE #15

Tumatakbo kami ngayon.

Takbo lang kami ng takbo.

"Bumalik kayo dito!"

Mas lalo pa naming binilisan ang pag takbo.

Nung saktong pagliko namin, nagulat kami nang may bigla nalang humila samin papasok sa isang room.

"A-anong— Carlo?" Gulat na sambit ni Kevin.

"Surprise." nakangising sambit ni Carlo.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Natigilan ako ng mapagtantong nandito rin pala yung iba.

"Mabuti naman at nakaligtas pa kayo." nakangiting tugon ni Cheng.

"Akala ko nga katapusan na namin kanina eh." natatawang sambit ko.

"Hahahaha..." natigilan kami ng makarinig kami ng kaluskos mula sa sa may sulok.

Nagkatinginan kaming lahat.

Tumayo si Joseph mula sa pagkakaupo tsaka nilapitan ang pinanggalingan ng ingay.

Nakapagtatakang bigla nalang siyang napaatras habang nanlalaki ang mga mata.

Dali-dali kaming lumapit sa kaniya.

"Bakit?"

Nagtataka kong tiningnan yung tinitignan ni Joseph. At tulad nang naging reaction niya, ganon din ang naging reaction ko.

Nanlaki ang mata ko. Hindi makapaniwala.

"P-paano napunta to dito?"

"P-paano nangyari 'to?"

"Akala ko ba tapos na yung laro?"

Yung bote? Paanong napunta 'to dito?  Akala ko nabasag na 'to? Akala ko ba tapos na yung laro?

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon