LIE #32

29 5 0
                                    

LIE #32

Tumatakbo kami ngayon.

Takbo lang kami nang takbo...

"Sige! Tumakbo pa kayo! Siguraduhin niyo lang na hindi ko kayo mahahabol  ha?!" Sigaw niya kasabay nun ang malademonyong halakhak niya.

Mas lalo pa naming binilisan ang pagtakbo.

"Wendel! Dahil sa ginawa mo, mas lalo lang tayong napapahamak!" Rinig kong sigaw ni Ann sa kaniya.

"Gusto ko lang matapos ang laro."

"Pero..."

Hindi ko na narinig ang sagutan nila kasi humiwalay na ako ng takbo.

Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mapadpad ako sa girls comfort room.

Ang dilim. Nakakatakot.

Tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin.

"Ang putla na ng mukha ko. Puno pa ng dugo ang damit ko. Para akong naliligo ng dugo." Binuksan ko ang gripo. Hinugusan ko ang kamay ko tsaka naghilamos.

Nang matapos ay muli kong tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin. Napatingala ako nang maramdaman ang unti-unting pagtulo ng luha ko.

Pinikit ko ang mata ko tsaka hinayaan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.

"You. Will. Die!" Literal na napamulat ang mata ko nang marinig ang tila may bumulong sa tenga ko. Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakitang ibang tao.

Sino yun?

Nagsimula ng bumigat ang pakiramdam ko kaya naisipan kong umalis na lamang.

Saktong lalabas na sana ako nang bigla nalang akong nakarinig ng kaluskos mula sa pinakadulong cubicle.

Nanlaki ang mata ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Gusto kong magtatakbo palabas pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Pinagpawisan na ako. Nanginginig na rin ang mga kamay ko.

"M-may tao ba diyan?" Dahan-dahan akong humakbang palapit sa pinakadulong cubicle.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang iyak ng isang babae.

"S-sino 'yan?"

"Tulong-tulungan mo ako." Nang marating ang pinanggalingan ng tunog ay agad kong binuksan ang pintuan ng cubicle.

Naningkit ang mata ko nang makita ang isang babaeng nakatalikod sakin. 

Teka? Parang kilala ko siya ah?

"C-cathy?" Dahan-dahan siyang humarap sakin. Muntik na akong mapasigaw sa nakita ko.

"T-tulungan mo ako." Umiiyak siya. Umiiyak siya ng dugo.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw.

"A-anong nangyari?" Piyok na ang boses ko.

"P-papatayin niya ako. Papatayin niya tayo."

"S-sino?" Pero hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang umiyak sa harapan ko.

"Sabihin mo. Sino ang gumawa niyan sayo? Cathy sumagot ka."

Natigilan ako nang maramdamang may humihinga sa  likod ko, tila may binubulong sa tenga ko.

May sinabi siya—

Mahina lang pero rinig na rinig ko.

"Don't mind her. She's dead!"

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon