LIE #29
"Mark?"
"Nagulat ba kayo?" Natatawang sabi niya. Dahan-dahan siyang lumapit samin, dahan-dahan naman kaming umatras palayo sa kaniya.
"Wag kang lalapit!" Sigaw ni Carlo sa kaniya.
"At bakit? Wag niyo sabihing natatakot kayo?"
"B-bakit naman kami matatakot?" Tapang-tapangang sagot ko.
"Talaga? Eh ba't ka nauutal?"
"Ano ba Mark! Diretsuhin mo nga kami! Killer ka na ba?" Inis na sigaw ni Carlo.
"Ba't ko naman sasabihin?" Nakangisi niyang sabi.
"Aba't—!" Susuntukin na sana ni Carlo si Mark ngunit natigilan kami nang bigla nalang kaming nakarinig ng kalabog mula sa may sulok.
"Ano 'yon?" Kinakabahan kong tanong sa kanila.
"May iba ka pa bang kasama dito Mark?"
"Wala— Ay sh*t!" Bigla nalang siyang nataranta kaya maging kami ay hindi na rin maiwasang mataranta.
"Bakit?"
"Anong problema?"
Namilog ang mata ko nang marinig ang tili ng isang babae. Nagsisigaw siya at humihingi ng tulong. Natitiyak kong nasa iisang silid lang kami kasi rinig na rinig ko yung nanghihingalong boses niya.
Yung boses na 'yon. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Michelle." Mahinang bulong ko. Naramdaman ko nalang na nag-uunahan nang tumulo yung mga luha ko. Ito na naman kami.
Dali-daling nagtungo si Mark sa pinanggalingan ni Michelle at sumunod naman kami sa kaniya.
Natigilan kami nang makita namin siyang nakatali ang dalawang kamay at paa sa isang upuan.
"Paanong?" Gulat na tanong ni Mark.
"M-mark! Akala ko ba ligtas na ako dito? Akala ko ba ililigtas mo ako? Pero bakit? Bakit mo ako iniwan dito? Ayan tuloy nahuli niya ako!" Iyak ni Michelle. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Tiningnan ko si Mark. At tulad ko, nag-uunahan na ring tumulo ang mga luha niya.
"I'm sorry kung iniwan kita dito. Pero wag kang mag-alala, ililigtas naman kita eh. Makakaligtas ka dito ng buhay." Saad ni Mark. Lalapit na sana siya kay Michelle ngunit nagulat kami nang may bigla nalang tumutok sa kaniya ng baril.
"Don't come closer to her! Or else I will kill you!"
"Joseph?" Sabay-sabay na bigkas naming tatlo.
"Teka? Pa'no ka nakapasok dito?" Gulat na tanong ni Carlo.
"Can't you remember? Magkasama tayong pumasok dito." Nagulat ako sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Carlo.
"Anong sabi mo?" Pano nangyari 'yon eh kami lang naman ni Carlo yung magkasamang pumunta dito.
"I told you, wrong move ang ginawa niyo." Bulong ni Mark.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nakita ko siyang pumasok kanina kasama niyo!" Hindi na ako nakapagreact pa nang bigla nalang nagpaputok ng baril si Joseph. Natamaan sa kaliwang mata si Michelle kaya napadaing siya sa sakit. Tuloy-tuloy na umagos ang dugo niya mula sa mata niya.
Nanginginig na ako sa takot. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lamang.
Muling napadaing sa sakit si Michelle nang muli siyang barilin sa kanang mata ni Joseph.
"Tama na! Itigil mo na 'yan Joseph!" Sigaw ni Mark. Pero ngisi lang ang tanging naging sagot niya.
"Magpaalam ka na Michelle!" Sigaw niya. Mala demonyo siyang tumawa. Napapapikit ako kasabay nun ang tuloy-tuloy na putok ng baril na narinig ko.
...And everything went black.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Детектив / ТриллерIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...