LIE #21
Tahimik lang kaming lahat. Walang nagbabalak magsalita.
Tanging ingay lang ng wall fan ang nagsisilbing ingay.
Ramdam ko ang lungkot at takot na nararamdaman ngayon ng mga kasama ko.
Tiningnan ko sila isa-isa, may namamaga ang mata, may natatakot, at may parang wala lang.
Nakakalungkot isipin na unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa.
Sana nanaginip lang ako. Sana hindi totoo 'to.
Napatingin ako sa may pinto nang may napagtanto ako.
Sa oras na iikot muli yung bote, hindi na kami maaaring lumabas pa.
Patakbo akong lumapit sa pinto. Hahawakan ko na sana yung door knob ng may bigla nalang tumulak sakin palayo sa pintong yun.
"Ano bang problema mo ha?! Nasisiraan ka na ba?!" Sigaw ni Carlo sakin. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Sinubukan ko lang kung mabubuksan ko pa yung pinto." Inis na sambit ko.
"Pano kung mabuksan mo? Aalis ka?!"
"Oo! May angal ka?" Napabuntong hininga siya.
"Talaga?" Nakangisi niyang sabi. Lumapit siya sa pinto tsaka pinihit yung door knob. Ngunit natigilan siya ng hindi ito bumukas.
"Teka? Bakit hindi bumukas yung pinto?" Nagtatakang tanong niya.
"Ha?"
"Ano?"
"Pano na 'to?"
"Natatrap na naman tayo dito."
Nagkumpulan na kaming lahat.
Aligaga akong umupo sa may sulok.
Pano na 'to? Anong gagawin namin?
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko dahilan para dumugo ito. Napa-aww ako sa sakit.
"Ayos ka la— hala! Ba't dumudugo 'yang labi mo!" Napatingin ako sa nag salita. Si Antonio pala.
"Wala 'to. Ayos lang ako."
"Talaga? Patingin nga!" Natawa ako sa naging reaksiyon niya.
"Wag ka nga! Hindi tayo talo!" Natatawa-tawang sambit ko.
"Bakit naman? Lalaki ako, babae ka " napangiwi ako.
"Ews. Magtigil ka ngang bakla ka!"
"Hahahahaha..."
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...