LIE #12
Nataranta kaming lahat.
Nakakatakot na siya ngayon.
Nanlilisik ang mata niya.
"Phine!"
"Bitawan mo na siya Phine!"
"P-phine- h-hindi ako maka-h-hinga."
Anong gagawin namin?
Hindi na namin kayang awatin si Josephine.
Napatingin ako kay James. Naiiyak siya at hindi na alam kung ano na yung gagawin niya.
Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Arghhhh! Ba't pa kasi kami umabot sa puntong 'to?
Ba't kasi sa lahat ng pwedeng jowain ni James yung bestfriend pa ng ex niya.
"Papatayin mo ba siya Phine?!" Pumagitna si James sa pagitan nilang dalawa dahilan para matulak ng malakas ni Josephine si Rovelyn.
At sa hindi inaasahang pangyayari, nabagok ang ulo ni Rovelyn sa pader.
"Rovelyn!"
Napatakip ako sa bibig ko nang umagos ang kaniyang dugo mula sa kaniyang ulo.
"P-patay na siya! P-pinatay siya ni Josephine!" sigaw ni Mitchell kaya nataranta kaming lahat.
"H-hindi ko s-sinasadya. H-hindi ko siya p-pinatay." Dahan-dahan siyang umatras palayo.
"Bakit mo siya pinatay?"
Dali-dali kaming lumapit kay Rovelyn.
"Rovelyn? Rovelyn!" niyugyog namin siya ng niyugyog pero hindi na talaga siya nagising.
Aishh! Pano na 'to?
"Rovelyn! Rovelyn gising!" sigaw ni James.
Lintek na larong 'to!
Nagulat ako nang bigla nalang tumingin si James kay Josephine. Nanlilisik ang mata niya. Nakakatakot.
"Pinatay mo ang mahal ko!" sigaw niya habang dahan-dahang lumapit kay Josephine.
"H-hindi k-ko s-sinasadya- m-maniwala k- Aaaaacckk!" nagulat kami nang bigla nalang siyang sinakal ni James.
"Tama na James!"
"James..."
Nagulat kami nang bigla niya nalang inumpog ang ulo ni Josephine sa pader.
"Gosssshh!"
"Wag!"
Inumpog niya ng inumpog ang ulo ni Josephine sa pader hanggang sa mawalan ito ng malay. Umagos ang kaniyang dugo mula sa kaniyang ulo.
"P-phine." nanginginig ang katawan ko nang lumapit ako sa kaniya. "P-phine gising." Naiiyak na ako. "Phine gising sabi!" niyugyog ko siya ng niyugyog pero katulad nung kay Rovelyn, hindi na rin siya nagising.
"What have I done?!" nabaling kay James ang atensiyon naming lahat nang bigla nalang siyang nagsalita.
"Tinatanong mo kung ano yung nagawa mo? Ayan! Napatay mo lang naman yung ex mo!" Panunumbat ni Ann.
Natigilan kaming lahat nang makarinig kami ng tunog ng nabasag na bote.
Ano yun?
Sa'n galing yun?
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong ang boteng iyon ang siyang boteng ginamit namin sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...