LIE #5

60 8 0
                                    

LIE #5

"Alam niyo ba kung bakit tayo nag-kakaganito?" Napatingin kami kay Jhomark nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Hindi." sabay-sabay naming sagot.

"Kasi... Masyado tayong pasaway!" Sabi niya sabay tawa.

"Tama! Ang bilis ng karma noh?"

"Sinabi mo pa!"

Napapangiti nalang ako. Kung iisipin mo parang wala lang nangyari.

Sabagay, para saan pa't worst section kami. Marami na kaming naranasang problema.

Literal na nawala ang ngiti sa aking labi nang bigla na namang umikot yung bote.

Pigil-pigil ko ang hininga ko.

Wag sakin please!

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ito tumapat sa akin.

Kay Mildred! Sa kaniya tumapat yung bote.

Napasinghap siya kasabay nun ang pag-bagsak ng luha niya.

"B-bakit s-sakin? Ayoko pang mamatay!" napahagulgol siya ng iyak kaya niyakap nalang siya nina Honey Grace at Mary para pakalmahin.

"Sshhhh tahan na."

"Kaya mo yan!"

"Truth or dare?"

"D-dare!"

Napatalon ako sa gulat nang may bigla nalang nagsalita mula sa speaker. "Kill the person behind you!"

Agad na napaatras si Bella dahil sa narinig. Siya... She's standing behind Mildred.

"N-no! I don't want to die!" naiiling na sambit niya.

Natigilan si Mildred. Nag-uunahan na ring tumulo yung mga luha niya. Ganon din kami.

"Anong gagawin ko?" nahihikbing sambit niya.

"You still have one minute. Kill her... Or else, you die!" muling sambit ng speaker. Napaluhod si Mildred kasabay nun ang pagtalsik ng ulo niya palayo.

"Mildred!"

"Ahhhhhhhhh!"

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon