LIE #14

55 5 0
                                    

LIE #14

"P-pano mo nagawang buksan yung pinto?" tanong ko sa kaniya habang tumatakbo kaming dalawa.

Hindi ko maaninag ang mukha niya kasi madilim na sa paligid. Pero alam kong lalaki siya.

Ang bilis ng oras, gabi na pala.

"Hindi ko alam. Dito!" pumasok kami sa isang lumang laboratoryo . Ito lang yung room na nakita naming naiwang nakabukas.

Napansin kong magkahawak kamay pa pala kami kaya agad kong hinawi ang kamay ko.

"Sorry."

"Ayos lang."

Tumalikod ako't mabilis na naglakad papunta sa may sulok. Hindi ko napansin na sumunod pala siya sakin. Umupo ako at tumabi naman siya sakin. 

"Ang tanga ko!" Bigla akong napatingin sa kaniya ng bigla nalang siyang nagsalita. Ngayon, medyo naaninag ko na ang mukha niya.

Kevin?

"Bakit kasi sa lahat ng pwedeng hilingin ko sa Diyos, yun pa yung magkaroon ng thrill ang boring kong buhay."

"At ito na nga ang sagot sa hiling mo." patuloy ko sa sinabi niya. Napansin kong napatingin siya sakin kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Natigilan kami nang makarinig kami ng kaluskos mula sa labas.

"Narinig mo yun?" pabulong na tanong niya sakin. Tumango-tango lang ako.

Tumayo ako't aktong aalis na nang bigla nalang siyang kumapit sa braso ko.

"Don't go. Wag kang gumawa ng paraan para ipahamak ang sarili mo." sa sinabi niyang 'yon ay literal na nagpaupo sakin pabalik.

Nagulat ako nang bigla nalang bumukas ang pinto at tumambad dito ang wala nang buhay na katawan ni Kyle.

Napatakip nalang ako sa bibig ko. Nag-uunahan ng tumulo ang mga luha ko. Gusto kong magsisigaw pero hindi ko magawa. Napahikbi nalang ako.

"Ssssshhh may tao." bulong ni Kevin dahilan para matigilan ako. Tama siya, may pumasok ngang tao.

S-si Wendel?

This time, itak na ang dala niya at hindi na bote.

A-ano na bang nangyayari sa kaniya? Bakit ba siya nagkakaganiyan?

"Alam kong may tao dito! Kaya lumabas kayo!" sigaw niya. Nagkatinginan kami ni Kevin.

"Anong gagawin natin?" bulong ko sa kaniya.

"Alam ko na! Sumunod ka sakin." tumango lang ako.

Gumapang siya papunta sa may pinto at sumunod naman ako sa kaniya. Natitiyak kong hindi kami makikita ni Wendel kasi sa madilim na bahagi ng laboratoryo kami dumaan.

Pigil-pigil ko ang hininga ko. Natatakot ako na baka everytime makikita niya kami.

"Lumabas sabi kayo!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Wendel dahilan para magalaw ko yung babasaging pigurin na nasa tabi ko.

Oh no!

"Wrong move." rinig kong bulong ni Kevin.

Napatingin ako kay Wendel. Sh*t! Nakita niya kami. Lumapit siya sa direksiyon namin.

Anong gagawin ko?!

Pabigat na ng pabigat ang hiningang binibitawan ko. Naghahalo na yung kaba at takot na nararamdaman ko.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko.

"TAKBO!"

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon