LIE #33
"Don't mind her, she's dead!" Natulala ako dahil sa narinig. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang katawan ko.
Ano? P-patay na siya? Bigla nalang umihip ang Napakalakas na hangin kasabay nun ang pagkawala ni Cathy sa paningin ko.
Nanindig ang balahibo ko. Pakiramdam ko ay nasa likuran ko lang siya.
"Cathy." Bulong ko. Ramdam ko ang malalim at malamig niyang buntong hininga. Gusto Kong magtatakbo palayo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.May binubulong siya sakin ng paulit-ulit...
"Tulong... Tulungan mo sila." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Anong ibig niyang sabihin?
Napatalon ako sa gulat nang bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko bang bumungad sa harapan ko yung masamang espiritu. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Nakakatakot.
Bigla nalang siyang lumipad palapit sakin kaya bahagya akong napaatras. Nasa harapan ko na siya ngayon habang nakalutaw sa ere.
Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya dahil sa nakakatakot niyang mukha. Inilapit niya ang mukha niya sakin kaya napapikit nalang ako.
Habang nakapikit ako, pakiramdam ko at may bumubulong sakin mula sa likuran ko. Alam kong Hindi ito yung masamang espiritu. Pero nakapagtataka ngalang kasi ibang lenggwahe ang binabanggit niya. Parang isang spell.
Paulit-ulit niya itong binubulong sakin, hanggang sa namalayan ko nalang... Ako na ang bumibigkas nito.
Ewan ko ba pero bigla nalang nawala ang takot na nararamdaman ko. Bigla nalang akong naging matapang.
Epekto ata 'to sa spell.
Sa isang iglap lang, namalayan ko nalang na unti-unti na siyang naglalaho. Yun bang Parang may humihila sa kaniya. Mas lalo ko pang nilakasan ang pagbigkas ko, hanggang sa tuluyan na mga siyang nawala sa paningin ko.
Napatakip ako sa mukha ko nang bigla nalang sumulpot ang isang nakakasilaw na liwanag.
Sa sobrang silaw nito, hindi ko maiwasang mapapikit.
"Game over"Literal na napadilat ang mga mata ko nang marinig ang nagsalita mula sa speaker. Para akong nabingi sa narinig. Hindi ako makapaniwala.
"Tapos na ang laro. Ibig sabihin ligtas na kami." Hindi ko namalayan, may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.
Napaupo na ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko,
Napasinghap ako nang maramdaman ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...