RETURN #40
ANTONIO POV
"My god Sammy! You're getting into my nerves! Imbes na magtago tayo, naghanap ka pa ng kung ano-ano!" Reklamo ko kay Sammy habang tinutulungan siyang maghanap ng katibayan daw tungkol sa totoong nangyayari.
"Sinabi ko naman sayo, hindi sila mabubuhay ng walang dahilan"
"Malay natin hindi naman talaga sila namatay."
"Pwede ba Antonio, alam kong nagdududa ka rin. Alam kong katulad ko ay naghahanap ka rin ng kasagutan. Kilala kita hindi mo ako maloloko" bahagya akong napangiti sa sinabi niya. "Kaya pwede ba manahimik ka nalang! Reklamo ka ng reklamo eh ikaw naman 'tong naghahanap ng paraan para mahuli nila tayo." Patuloy niya pa. Literal na nawala ang ngiti sa aking labi. Tangna nito! Papangitiin ka tapos-- Arghhh!
"Tsk! Bipolar!" Inis na bulong ko. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Oh sht!" Napabulalas ako ng wala sa oras nang may kung anong likido ang biglang tumulo sa kamay ko. Ang hapdi!
"Bakit? Anong proble-- Sht anong nangyari sa kamay mo?" Tarantang sigaw ni Sammy habang gulat na nakaturo sa kamay ko.
"Ha? Bakit anong nangyari sa kam-- f*ck sht!"
Yung kamay ko...
NALAPNOS ANG KALAHATI NG KAMAY KO!
HINDDDDEEEEE!
SAMMY POV
'Asido'
Pano nagkaroon ng asido dito?
Who the hell do that?
"Ahhhh ang hapdi!" Naiiyak na sigaw ni Antonio. Napakagat nalang ako sa kuko ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung pano ko siya matutulungan. Hindi ako makapag isip ng maayos.
Tumingala ako tsaka nagbuga ng malakas na buntong hininga. "Diyan ka lang, maghahanap lang ako ng gamot." Lumapit ako sa kaniya tsaka siya inalalayang makaupo.
"S-saan?"
"Sa clinic."
"Wala na silang stock dun panigurado at kung meron man, expired na yun." I sighed.
"So anong gusto mong gawin ko? Magtutunganga nalang dito habang pinapanuod kang nahihirapan?" Saglit siyang natigilan.
"A-ayos lang ako." Mahinang sabi niya. Inis akong napakamot sa ulo ko.
"Anong ayos? Tignan mo nga 'yang sarili mo. Mangiyak-ngiyak ka na nga sa sakit ng kamay mo tapos sasabihin mo okay ka lang!"
"Okay lang naman talaga ako eh. Malayo lang 'to sa bituka."
"Pano kung mas lumala pa 'yan?"
"Pano kung mahuli ka?"
"Ayaw ko lang makita kang nasasaktan!"
"Pero ayaw ko ring mawala ka!" Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko't napabuntong hininga.
"Pero---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto na para bang kinakalabog na ito. Bigla akong nangatog sa takot.
Ilang saglit lang, parang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang dahan-dahang bumukas ang pinto. Napalunok ako ng ilang beses kasabay nun ang pag-bigat ng pakiramdam ko.
Kasabay ng pag-bukas ng pinto ang pag-labo ng paningin ko. Bigla akong nawalan ng balanse't natumba ako sa sahig. Nakarinig pa ako ng mga yapak at malabong sigawan bago tuluyang nanlabo ang lahat.
ARJAMES POV
Madilim, madumi at mabaho, diyan ako nagtatago.
Sino ba naman kasing mag-aakala na yung mga taong pinaglalabanan namin noon... kalaban na pala namin ngayon. Amazing! isn't it?
"Kahit saan ka pa magtago, mahahanap at mahahanap pa rin kita... Arjames!" Nakakatawang isipin na para kaming nasa isang nakakatakot na pelikula. Dati pinapanuod ko lang sila pero ngayon parang kami na ang gumaganap na bida. Ang pinagkaiba nga lang, dito walang cut o pause. Kapag huminto ka, patay ka!
Life sucks!
"Arjames... lumabas ka na! Mapapagod ka lang sige ka." It was Mary. The girl who used to be an angel before.
Pabigat na nang pabigat ang hiningang binibitawan ko habang palapit siya nang palapit sa kinaroroonan ko. Darn it! Parang kahapon lang nangyari pa samin 'to tapos ngayon nangyari na naman. Wala ba kaming karapatang mamuhay ng normal? Bakit sa lahat ng tao sa mundo sa 'min pa nangyari 'to. Damn!
"Lumabas ka na Arjames! Nagtatago ka pa eh mamamatay ka lang din naman!" Asik pa nito sabay tawa na parang demonyo. Wala sa sariling napangisi ako.
Gusto niya ng laro? Sige, pagbibigyan ko siya.
Kinuha ko ang maliit na kutsilyong nasa may paanan ko tsaka dahan-dahang lumabas sa pinagtataguan ko.
"There you are." Nakangising aniya nang magtama ang paningin namin.
She's totally changed. Ibang-iba na siya sa Mary na kilala ko.
Pinagkatitigan kong mabuti ang mukha niya. Ngayon ko palang napansin, may peklat pala siya sa gitna ng noo niya. Hindi ito kaaya-ayang tingnan lalo na't nagsisimbolo ito sa isang demonyo.
Masyado akong lutang at nawala sa paningin ko si Mary. Inis akong napakamot sa batok ko at nagpalinga-linga sa paligid.
Bullsht! Nalingat lang ako saglit nawala na siya sa paningin ko.
Nagulat ako nang sa isang iglap lang ay may nakatutok ng kutsilyo sa leeg ko. Literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw.
"Do you wanna die!?" Bulong nito sa nakakatakot na tono. Bigla akong nangatog sa takot. Yung tapang na inipon ko kanina ay bigla nalang nawala na parang bula.
Mariin akong napapikit nang mas lalo niya pang diniin ang kutsilyo sa leeg ko. Impit akong napasigaw. Gustuhin ko mang makawala pero hindi ko magawa. Masyado siyang malakas. "Hindi ka ba nakakaintindi ng english? Ang sabi ko Gusto mo na bang mamatay?!" Sigaw nito sa tenga ko kaya't napailing nalang ako dahil sa takot.
"H-hindi. Hindi."
"Mapangahas ka! Kung ang akala mong matatalo mo ako, pwes nagkakamali ka!" Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo ko mula sa leeg ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang magdasal na lamang na sana hindi ko pa katapusan ngayon.
"Pasalamat ka't mabait ako ngayon." Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan niya na ako. Napahawak ako sa leeg kong duguan.
"Pagbibigyan kita. Dapat pagkabilang ko ng tatlong segundo nakaalis ka na. Kasi kapag hindi... hindi ako magdalawang isip na kitilin ka!" Mariin akong napatango.
Hindi pa man siya nakabilang ay tumakbo na ako.
Nasa may pinto na ako nang tirahin niya ang kaliwang paa ko gamit ang kutsilyong dala-dala niya kanina pa.
Napadaing ako sa sakit pero sinikapan ko pa ring makalayo sa demonyong nasa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/171834528-288-k747524.jpg)
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...