LIE #7

51 7 0
                                    

LIE #7

Pinagpatuloy na nga nila yung paglalaro. Haist bahala sila.

"Ayaw mong maglaro?" nakangising tanong ni Antonio sakin.

"Ayaw kong mag-laro!"

"Okay. Bahala ka diyan kung ayaw mo. Mabobored ka rin sa huli!"

"Wala akong pakialam! Maglaro kayo kung gusto niyo!" Inis na sambit ko. Tumalikod ako't naglakad papunta sa may sulok.

"Ang duwag mo naman!" napatingin ako kay Rizza nang bigla nalang siyang sumigaw. Muli akong naglakad palapit sa kanila.

"Sino ba naman kasi ang hindi maduduwag kung buhay mo naman ang nakataya?!" Sagot ko. Natahimik sila kaya bahagya akong napangiti.

Nagulat nalang kami nang bigla nalang umikot yung bote.

Napataas ang isang kilay ko nang tumapat ito kay Rizza. Natigilan siya kaya muli akong nag salita. "Ngayon mo sabihing hindi ka naduduwag?" nakangising tanong ko.

"H-hindi ako n-natatakot!"

"Talaga? Sige nga! Truth or dare?"

"T-truth!"

"Be honest! Natatakot ka ba o hindi?"

"Of course not! B-bakit naman ako matatakot?"

"Liar!" sigaw ko.

"Nagsasabi ako ng totoo!"

"Hindi ka nagsasabi ng totoo! Natatakot ka rin tulad ko! Natatakot rin kayo!"

"Kung hindi ako nagsasabi ng totoo, Dapat kanina palang patay na ako! Pero wala eh! Walang nangyari!" naiiling nalang ako. Tumalikod ako't aktong hahakbang na palayo nang bigla nalang magsigawan yung mga kaklase ko.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhh!"

"RIZZZZAAAAA!"

Nang lingunin ko sila, di na ako nagulat.

"See! She lied! Tsk!" nakangisi kong sabi.

"Pano mo nalamang nagsisinungaling lang siya?" tanong ni Rovelyn.

"Obvious naman kasi!"

"Obvious? Bakit hindi manlang namin napansin?" tanong naman ni Mary. Napakibit balikat nalang ako.

"Ipagpatuloy niyo na ang laro niyo!" pagkatapos kong sabihin yun, naglakad na ako pabalik sa may sulok.


DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon