LIE #11
"Ang sweet niyo naman. Sali ako," napatingin kami sa nagsalita, si Antonio pala.
"Sure." sabay naming sambit ni Mae.
Umupo siya sa tabi namin sakto namang umikot yung bote.
This time, kay Josephine naman ito tumapat.
"Truth... Or dare?"
"Truth!"
"Do you still love James?" tanong ni John dahilan para matigilan kaming lahat.
Oh, I forgot! James is her ex boyfriend.
Nakaramdam ako ng tensiyon sa pagitan naming lahat.
"Ah, nevermind." Awkward na ngumiti si John.
"Actually, yes. I still love him." Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Oh my gosh!"
"Talaga?"
"Pero diba wala na kayo?"
"Cool off lang naman. Magpahinga lang daw kami saglit sabi niya."
"What is she talking about?" rinig kong bulong ni James.
"Josephine! Ang totoo kasi niyan—" bago pa man matapos ni Rovelyn yung sasabihin niya inunahan ko na siya. "Spin na natin yung bottle." pinanliitan ako ng mata ni Rovelyn.
I'm sorry. James is now in trouble but I don't want it to happen.
Ini-spin na nga ni Josephine yung bottle. Dahan-dahan itong huminto kay James hanggang sa kay Rovelyn na nga ito tumapat.
Hindi pa man kami nakapagsalita, inunahan niya na kami. "Truth!"
"Ako na mag-tanong." nakataas kamay na sambit ni Jyra.
"Sige."
"Anong meron sa inyo ni James?"
"H-ha?"
"Kanina kasi nakita ko kayong magkahalikan dalawa." Nagulat silang lahat maliban sa aming tatlo.
"Ano?"
"Totoo ba yun?"
"Oh my gosh! May affair kayong dalawa?"
"Pano nangyari yun?"
"Ba't hindi namin alam?"
Sunod-sunod na tanong nila.
"Ito na! Kalma muna tayo!" sigaw ni Rovelyn dahilan para matahimik silang lahat.
"Bakit hindi ka nagulat?" pabulong na tanong ni Mae sakin. Nagkibit balikat lang ako.
"Boyfriend ko si James!"
"Ano?"
"Totoo?"
"K-kailan pa?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Josephine.
"L-last week lang Phine." lumapit si Josephine sa kaniya tsaka siya sinampal ng malakas.
"Ano ba Phine!" sigaw ni James.
"How dare you!"
"M-magpapaliwanag ako Phine!" naiiyak na sambit ni Rovelyn.
"Para sa'n pa! Malinaw na sa akin ang lahat! Trinaydor mo ako!"
"I-ilang beses kong sinubukang sabihin sayo 'to. Pero kasi," tumingin sakin si Rovelyn. Anong gusto niyang iparating?
"Pinigilan niya ako." turo niya sakin. Ngayon, sa akin naman nabaling ang atensiyon ng lahat.
"Totoo ba?" tanong ni Josephine sakin. Hindi ako sumagot, yumuko lang ako.
"Sumagot ka!"
"Oo. T-totoo yun!"
"Bakit..."
"Hindi namin sinabi sayo kasi ayaw naming masaktan ka."
"Nasaktan na nga ako eh! Nasaktan na ako!"
"I'm sorry Phine." lumapit ako sa kaniya tsaka hinawakan ang braso niya pero winakli niya lang ang kamay ko.
"Lumayo ka sakin!"
"Phine. Tanggapin mo na lang na wala na tayo! Break na tayo Phine!"
"Wala kang sinabing ganon! Ang sabi mo lang pagod ka kaya magpahinga muna tayo! Pero bakit?" napahagulgol na ng iyak si Josephine. Ganon din kami ni Rovelyn.
"Nangako ka sakin nun! Pero lahat ng yun napako dahil sa babaeng 'yan!" turo niya kay Rovelyn.
"Spin na nga lang ulit natin yung bottle." pagpapatay malisya ni Ann.
"Sige."
"Hindi pwede! Hindi pa kami tapos dito!"
"P-phine naman."
Lumapit siya kay Rovelyn. "P-phine im so— Aacccckkk!" nagulat kami nang bigla niya nalang sinakal si Rovelyn.
"Josephine!"
"Phine!"
"Ang dapat sa malanding katulad mo... Pinapatay!" sigaw ni Josephine.
BINABASA MO ANG
DON'T LIE
Mystery / ThrillerIsang larong kikitil sa buhay ng limangpung estudyante sa Klinton High. Isang larong naghahanap ng kapalit. Isang larong kapag nasimulan mo na, hindi ka na maaaring huminto pa. Isang simpleng laro na kapag hindi ka nagsasabi ng totoo o hindi mo sin...