LIE #22

37 5 0
                                    

LIE #22


"May alam ba kayo kung paano makalabas dito?" Tanong ni Ann.

"May alam ako." Sambit ko kaya't nabaling sa akin ang atensiyon ng lahat.

"Ano?"

Bumuntong-hininga muna ako bago ako sumagot.

"Simple lang." Tumingin ako sa bote. "Basagin natin 'yang bote." Turo ko sa bote.

"Ha?"

"Yun lang? So easy!" Pagmamayabang ni Ranillo.

"Oo nga. Gusto niyo ako na bumasag?" Sabat naman ni Jake.

"Kung ganon, edi basagin niyo na 'yan nang makalabas na tayo dito." Sambit ni Mae.

Kinuha ni Jake yung bote at aktong babasagin na ito ngunit...

"Sandali lang!" Sigaw ko.

"Bakit?"

"Sa oras na basagin mo 'yan, matutulad ka kay Wendel."  Napakunot ang noo niya sa narinig.

"Ha? Hindi kita maintindihan?"

"Ganito kasi 'yan. Sa oras na babasagin mo 'yang bote, lalabas diyan ang masamang espiritu at sasanib siya sa katawan mo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi namin maintindihan?"

"Naalala niyo yung nangyari kay Wendel? Naging killer siya dahil binasag niya yung bote. At ganiyan din ang mangyayari sayo Jake kapag binasag mo 'yan." Nabitawan niya yung bote.

"Pero pano tayo makakalabas nito?"

"Hintayin nalang natin yung tamang oras." Sambit ko.

"Hindi pwede! Basagin mo na 'yang bote Jake. Wag kang matakot! Hindi totoo yung sinabi niya!" Sigaw ni Mae.
Pinanliitan ko siya ng mata.

"Hindi ka naniwala sakin Mae?"

"Obviously?!" Sarkastiko niyang sabi.

Woah!

"Nasa sayo na 'yan kung maniniwala ka ba o hindi."

"Hindi. Ako. Naniniwala. Sayo!" Diin niyang sabi.

Ano bang nangyari sa kaniya? Ba't parang... Ibang Mae na 'tong kausap ko ngayon.

"Edi wag!"

"Ano na Jake? Babasagin mo ba 'yan o hindi?!" Inis na sigaw ni Mae kay Jake.

"A-ayaw ko. I-ikaw nalang kung gusto mo." Nagkakandautal na sambit ni Jake. Sinamaan siya ng tingin ni Mae.

"Kung ayaw mo, edi wag! Ako nalang ang gagawa!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mae.

"Mae! Wag mong gawin 'to! Wag mong ipahamak ang sarili mo!" Sambit ko sa kaniya.

"Sarili ko? Hindi ako tanga! Alam kong sarili mo lang ang iniisip mo!"

"Hindi!"

"Mae! Makinig ka naman!" Sigaw ni Antonio sa kaniya.

"So, nagkakampihan kayong dalawa?!"

"Nagkakamali ka! Kapag gagawin mo 'yan, tiyak magiging killer ka."

"I don't care! Kayo yung dahilan kung bakit tayo nagkakaganito! Kaya ayos lang sakin kung papatayin ko kayo!"

"Narinig mo ba 'yang sinasabi mo Mae?!" Sigaw ni April sa kaniya.

"Of course! Hindi naman ako bingi para hindi marinig yun!"

Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Mae! Alang-alang kay Marco. Wag mong gawin 'yan. "

"Kaya nga! Gagawin ko 'to para sa kaniya! Sa kaniya lang at hindi sa inyo!" Sigaw niya. Nagtiim ang bagang ko sa narinig.

"Sabagay! Isang hamak na kaibigan mo lang naman kami! Hindi naman kami importante para sayo!" Natigilan siya sa sinabi ko.

"Eh ano naman ngayon?!" Nakangising niyang sabi. Ngayon, ako naman ang natigilan.

Wtf is she talking about?

"A-anong sabi mo?" Hindi ko napansing may tumulong luha na pala sa mukha ko.

Hindi niya pinansin ang tanong ko, sa halip kinuha niya yung boteng nasa sahig.

Naalarma ako kaya agad kong inagaw sa kaniya yung bote.

"Wag Mae!"

Pero wrong timing ata yung pag-agaw ko. Nadulas kaming dalawa dahilan para tumalsik palayo yung bote.

"Aray!" Sabay kaming napadaing sa sakit.

"Ayos ka lang Mae?" Tanong ko sa kaniya ng makaupo ako. Pero nagtaka ako kasi hindi niya sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa may di kalayuan habang nanlalaki ang mata.

"Mae?" Tawag ko sa kaniya. Hindi niya pa rin ako pinansin kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa mga kaklase ko.

Ngunit natigilan ako kasi tulad nang kay Mae, ganon din ang naging reaksiyon nila. Sa iisang direksiyon lang sila nakatingin.

"Anong meron?" Bulong ko. Hindi ako nakatiis kaya nakitingin na rin ako.

Pero natigilan ako ng may naalala akong senaryo.

Nangyari na 'to kanina. Nangyari na'to kay Wendel.

Not now.

DON'T LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon