☁︎ PROLOGUE ☁︎

1.9K 60 3
                                    

[Altheah's POV]

Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin ako sa paligid. Bumangon ako mula sa kinahihigaan ko at napayuko ako nang nalaman kong nandito parin pala ako. Nandito parin ako sa bangungot kung saan dito ko ikinulong ang sarili ko.

Inisip ko dati, paghihiganti ang pinakalayunin ko. Ginawa ko ang lahat para makakuha ng sapat na kapangyarihan at lakas para makaganti ako sa mga taong nanakit sa akin at sa mga magulang ko.

Pero sa halip na sama ng loob ang mawawala sa akin, naiwala ko ang sarili ko. Naiwala ko ang kainosentehan ko. Naiwala ko ang buong pagkatao ko.

Nakapatay at nakasakit ako ng maraming tao. Hindi na ako naaawa sa mga taong binabaril at pinapatay ko. Nakalimutan ko ang dating ako. Ang ako na walang bahid ng kasamaan at dugo.

Dahil sa dahilang yun ay mas pinili kong magpakalayo layo sa lahat ng taong malapit sa akin. Lalo na kay dude.

Gustong gusto ko na siyang makita ulit, gustong gusto ko na siyang makamusta, at gustong gusto ko na siyang yakapin. Pero alam kong malabo ang mangyari yun. Malabo na para sa akin na makikita at makakasama ko pa ulit yung taong pinakaunang minahal ko.

Iniisip parin ba niya ako ngayon?

May iba na ba siya ngayon?

Mahal parin ba niya ako hanggang ngayon?

________________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon