[Aiken's POV]
Palabas na sana kami ni Altheah pero napatigil ako sa paglalakad nang nakita ko si Kaye na naghihintay sa akin sa labas nitong CR. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
Anong ginagawa niya dito? Pati ba naman dito bubuntot buntot siya sa akin?
"So, kaya pala wala ka sa bahay niyo......"
Sabi ni Kaye kaya napairap ako dahil sa inis. Maya maya ay nagulat ako nang biglang binitawan ni Altheah ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Dude, punta ka na sa girlfriend mo....."
Nakangiti niyang sabi at tumingin siya kay Kaye na naghihintay lang sa akin. Habang tinititigan ko parin si Altheah ay nagulat ako nang bigla akong hinila ni Kaye palayo sa kanya kaya nainis ako.
Hinawakan ni Kaye ang kamay ko ng mahigpit kaya napairap ako. Ilalayo ko sana ang kamay niya sa akin pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ko yun magawa.
"Ano bang ginagawa mo dito?"
Tanong ko kay Kaye habang tinitingnan siya ng masama pero nginitian lang niya ako. Ito ang pinakaayaw ko sa kanya eh. Iniisip niyang pagmamay ari niya ako kaya palagi nalang niya akong sinusundan.
"Babe naman eh....." Sagot niya na para bang nanlalambing pero inirapan ko lang siya.
"Don't call me babe dahil kahit isang beses ay hindi kita minahal. Ginawa lang kitang rebound at nakisakay ako sa mga gusto mo......"
Prangkang sagot ko sa kanya habang tinitingnan ko parin siya ng masama. Nawala ang ngiti niya at binitawan na niya ang kamay ko kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at may balak pa pala siyang bitawan ako.
Lumapit ulit ako kay Altheah at hinawakan ko ulit ang kamay niya kaya nagulat siya sa ginawa ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang parang nagtataka sa ginawa ko pero nginitian ko lang siya.
"Babe, hindi ka naman ganyan magsalita dati ah. Bakit ka ba nagkakaganyan?"
Tumingin ulit ako kay Kaye nakita ko siyang tinititigan ng masama si Altheah. Akala ko ay wala siyang gagawin pero maya maya ay bigla niyang nilapitan si Altheah at sinampal niya ito ng malakas sa pisngi kaya kumulo ang dugo ko.
"Kaye ano ba!"
Sigaw ko kay Kaye para pigilan siya pero hindi parin niya ako pinakinggan at sinampal niya ulit si Altheah sa kabilang pisngi. Napaupo si Altheah sa sahig habang hinahawakan ang pisngi niya. Hindi parin niya nilalabanan si Kaye kahit na sinasabunutan na siya nito.
Napapansin kong nahihirapan na talaga si Altheah sa ginagawa ni Kaye kaya hinila ko siya palayo sa kanya pero hindi parin niya tinitigil ang ginawa niya.
Hindi ko na alam kung paano siya patitigilin sa pananakit niya kay Altheah kaya ako na mismo ang sumampal sa kanya sa magkabilang pisngi.
"Wag na wag mong saktan si Altheah!"
Sigaw ko kaya tumigil si Kaye sa ginagawa niya at napahawak siya sa pisngi niyang sinampal ko saka siya tumingin sa akin. Ngumisi lang siya sa akin saka siya tumingin ulit kay Altheah.
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Ficção AdolescenteLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...