[Altheah's POV]
Nandito na ako ngayon sa bahay ni Aiken, tahimik na nakaupo sa sala. Nagluluto pa kasi siya at sinabihan niya ako na maghintay muna sa kanya dito. Kaya yun din naman ang ginawa ko.
"Are you Kuya Aiken's girlfriend?"
Napatingin ako sa taas ng hagdan ng bahay nila at nakita ko yung kapatid ni Aiken na nakatingin lang sa akin. Siya pala si Athena.
Nasa mga kinse anyos pa siya at kamukhang kamukha niya si Aiken. Natural kasi magkapatid sila.
"No. I'm just his friend....."
Sagot ko naman sa kanya at nginitian ko siya. Tumango tango lang naman siya dahil sa sinabi ko.
"Okay. You're Altheah, right?"
Nagtaka ako at kumunot ang noo ko. Bakit niya ako kilala?
"How did you know me?"
Tanong ko sa kanya pero nginitian lang ulit niya ako.
"Palagi ka kasing kinikwento ni kuya sa akin......"
Tumango tango ulit ako dahil sa sagot niya. Kaya pala.
"Ano naman yung kinikwento niya sayo tungkol sa akin?"
Tanong ko at nginitian niya ako saka siya napatingin sa kuya niya na tahimik lang na nagluluto sa kusina bago niya ulit ako tiningnan.
"Sabi niya, sobrang cute mo daw. And nang nakita na kita ngayon, I can say na totoo talaga ang sinabi niya....."
Haiiisssttt.
Tong si Aiken talaga. Kahit ano ano nalang ang sinasabi niya sa kapatid niya.
"Talaga ba?"
Sabi ko sa kanya at nginitian ko pa siya. Cute daw kasi ako. Tumango lang naman siya at bumaba na siya mula sa hagdan.
"By the way, I'm Athena Emerson. Sister ako ni Aiken....."
Sabi niya at inabot niya ang kaliwang kamay niya sa akin. Hinawakan ko din naman ang kamay niya ng sandali at binitawan ko ito kaagad.
"Alam ko na yun....."
Napangiti kaming dalawa. Maya maya ay pareho kaming napalingon kay Aiken nang tinawag na niya kaming dalawa mula sa kusina.
"Ready na ang food. Kumain na tayo....."
Pinuntahan na ni Athena ang kuya niya sa kusina pero umupo lang ako dito sa sofa. Nakakahiya naman to. Nakikitira pa nga ako dito tapos makikikain pa ako?
"Altheah, kain na tayo. Gutom ka na diba?"
Napalingon ako kay Aiken at tinanguan ko nalang siya. Gutom na gutom na kasi talaga ako. Pumunta akonsa dining area at umupo. Mabuti pa sila, sabay sabay silang kumakain.
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Novela JuvenilLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...