☁︎ CHAPTER 69 ☁︎

142 7 0
                                    

[Aiken's POV]

Nakatayo lang ako dito sa harapan ng bahay ni Altheah habang bitbit bitbit ang bouquet na binili ko para sa kanya. Inangat ko ang ulo ko at napangiti ako nang nakita ko siyang nakaupo lang sa terrace nila.

Inayos ko muna ang damit ko bago ko siya tinawag. Syempre dapat gwapo ako sa paningin niya para naman sure yes na. Hehehe.

"Dude!"

Pasigaw na tawag ko pero hindi niya narinig ang boses ko kaya hindi parin siya lumilingon sa akin. Bingi ba tong babaeng to?

"Altheah!"

..........

Tong cute na babaitang to. Kanina ko pa siya tinatawag pero nakatulala parin siya. Ano na kayang iniisip nito?

"Psssstttt! Dude!"

Hindi parin siya lumilingon sa akin habang nakatulala parin kaya napairap ako. Pasalamat siya mahal ko siya kaya makapaghihintay ako kahit na gaano katagal bago niya ako mapansin. Pero inuubos talaga ng babaeng to ang pasensya ko.

"HOY DORANG GREEN MINDED NA ADIK SA MARSHMALLOWS!"

Malakas na sigaw ko kaya nabalik na siya sa ulirat niya at agad siyang lumingon sa akin. Tiningnan niya ako ng masama kaya alam kong nainis siya sa kung paano ko siya tinawag.

        

"Ano bang kailangan mo BAKLANG FEELING GWAPO NA NAGLILIPSTICK NG PINK?"

Medyo nainis din ako sa tinawag niya sa akin pero nginitian ko nalang din siya. Okay na yun basta ang mahalaga ay napansin na niya ako.

"Ang tagal mo namang mamansin...."

Sabi ko at nginitian naman niya ako kaya napangiti narin ako.

"Sorry. Naisip ko lang kasi yung mga nangyari kahapon......"

Tumango tango lang naman ako. Yun pala ang iniisip niya. Naisip ko rin yun saglit at napangiti ako. Naayos na namin ang lahat kahapon. Malayo na kami sa gulo dahil nagkaayos na kami sa mga taong may gulo sa amin.

"Ano nga palang ginagawa mo dito dude?"

Tanong niya sa akin kaya nginitian ko siya ulit. Napatingin ako sa bouquet na hawak hawak ko saka ako tumingin ulit sa kanya.

"Edi nanliligaw....."

Sabi ko at kinindatan ko siya kaya natawa siya. Agad kong tinawag sila ni Vernon at TOP na nagtatago lang sa gilid ng bahay nila habang naghihintay lang sa senyas ko. Sabay sabay silang lumapit sa akin habang may dala dala pang mga musical instruments. Napangiti si Altheah at tumayo siya sa kinauupuan niya na para bang interesadong interesado sa gagawin namin.

"Magrelax ka lang diyan. Dude ko....."

Kinindatan ko siya at alam kong kinilig din siya dahil namumula na ang mga pisngi niya. Sinenyasan ko na naman sila ni Vernon at TOP kaya nagsimula na sila sa dapat nilang gawin.

"Dude, para sayo to....."

Nagsimula na din akong kumanta habang nakatingin parin kay Altheah na nakatayo lang sa terrace ng bahay nila. Habang kumakanta ako ay nakatitig lang ako sa kanya na halatang pinipilit pa ang sarili na wag ngumiti.

Pagkatapos kong kumanta ay pinalakpakan ako ni Altheah kaya natuwa ako na naappreciate niya ang ginawa ko. Inirapan pa niya ako pero hindi ko pinansin yun. Ganyan talaga yang babaeng yan, palaging may toyo.

"Ang galing mong kumanta ah. Ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala ng boses mo....."

Sabi niya na parang tuwang tuwa pa kaya tinanguan ko naman siya.

"Syempre. Ako pa ba?"

Kinindatan ko siya pero tinawanan lang niya ako. Lalapitan ko na sana siya pero napansin ko sobrang layo niya mula sa akin kaya nainis ako. Bakit nga pala hindi pa siya bumababa diyan?

"Wala ka bang balak na bumaba diyan?"

Tanong ko kaya ngumiti ulit siya sabay irap na naman at bumaba na siya kaagad mula sa terrace nila. Mabuti naman. Ang layo layo niya kasi kanina. Ilang saglit ay binuksan na niya ng gate ng bahay nila at lumapit siya sa akin.

Tumingin ako kina Rhaine at Chrystel na nagtatago parin sa gilid ng bahay nila at sinenyasan ko silang lumapit. Agad naman silang lumapit sa akin habang may dala dalang mga bulaklak at chocolates kaya nagulat si Altheah.

Kinuha ko ang mga ito at iniabot ko ito sa kanya sabay kindat pa. Medyo nananakit na ang mga mata ko kasi kanina pa ako kindat ng kindat. Pero okay lang, mas lalo ko namang ikakagwapo tong pagkindat ko kaya worth it naman.

"Thank you....."

Sabi niya habang nakangiti parin sa akin. Tiningnan niya ng maigi ang mga binigay ko sa kanya at sumimangot siya kaya natawa ako. Akala niya siguro nakalimutan ko ang favorite niya.

"Chrystel, kunin mo nga yun...."

Tawag ko kay Chrystel kaya agad naman siyang bumalik doon sa pinagtataguan nila ni Rhaine kanina. Pagbalik niya at may dala dala na siyang malaking box kaya nagtaka si Altheah.

"Ano yan?" Pagtatakang tanong ni Altheah.

"Tingnan mo nalang. Sigurado akong matutuwa ka diyan....."

Sagot ko naman sa kanya at kinuha ko na ang box na dala dala ni Chrystel. Ibinigay ko ito kay Altheah at tinulungan ko siyang buhatin ito kasi medyo mabigat to.

"Buksan mo na....."

Utos ko kaya binuksan na nga niya ito. Nang alam kong nakita na niya kung ano ang laman nito ay napangiti ako. Napansin kong nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa mga marshmallows kaya natuwa ako. Tumingin ulit siya sa akin habang ang laki laki ng ngiti.

"Nagustuhan mo ba?"

Tanong ko at tumango lang naman siya saka niya sinarado ulit ang box.

"Ang dami naman niyan. Hindi ako siguradong mauubos ko yan....." Sabi niya na para bang nag aalala.

"Wag kang mag alala. Tutulungan ka naming ubusin yan....."

Singit naman ni Rhaine kaya natawa kaming lahat. Tumingin ulit ako kay Altheah at napangiti ako nang nakita ko siyang tumatawa.

"Altheah......"

Tawag ko sa kanya kaya tumigil na siya sa kakatawa at tumingin siya sa akin.

"I love you....."

Nahihiyang sabi ko dahil sa kilig ko. Kinilig naman yung mga ugok na nasa likod ko at napansin kong nginitian din ako ni Altheah kaya napangiti ulit ako.

"I love you too......."

Sagot naman niya kaya mas lalo pa akong napangiti. Unang beses niya akong sinabihan ng salitang yun.

"LABEL MUNA!"

Sabay sabay na sigaw nila ni Rhaine kaya nilakihan ko sila ng mata. Aba tong mga t——

         

"Mga putragis kayo!"

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon