☁︎ CHAPTER 100 ☁︎

332 9 2
                                    

[Aiken's POV]

Nakasuot na ako ng amerikana at tapos na ring inayos ng stylist ko ang buhok ko. Nakatayo lang ako dito sa harap ng salamin habang nakatulala. Hindi ko inaakalang mangyayari pala talaga ang araw na to.

Napapikit ako nang naalala ko na naman si Altheah. Kamusta na kaya siya ngayon? Okay lang ba siya? Hinihintay parin ba niya ako? Nasasaktan ko parin ba siya?

Maya maya ay narinig kong biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kaagad ako dun. Nakita ko si Kaye na nakangiti pero agad ko siyang iniwasan ng tingin.

        

"Babe? Ready ka na ba?"

Hindi ko nalang siya sinagot at lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa sala at umupo ako sa couch habang nakatulala parin.

Hindi ako makapaniwalang ikakasal na ako.

Pero hindi sa babaeng mahal ko.

[Altheah's POV]

Nakatulala lang ako dito habang nakaupo lang sa sala ng bahay namin. Ngayon na daw kasi ang kasal nila ni Kaye at ni dude.

         

"Altheah? Okay ka lang ba?"

Umiling iling ako kay Rhaine bilang sagot. Nginitian din naman niya ako at inakbayan niya ako kaya napangiti ako.

          

"Iniisip mo ba yung kasal nila ni Kaye? Diba may pinag usapan kayo ni Kaye? Bakit ayaw mong pumunta doon ngayon?"

Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Oo. May pinag usapan kami ng Kaye. Pero natatakot ako kasi baka may balak siyang ipahiya ako.

Napayuko ako at ipinikit ko ang mga mata ko. Tinabunan ko ang mukha ko para hindi makita ni Rhaine na umiiyak na ako.

          

"Altheah. Alam kong umiiyak ka. Wala ka namang dapat na ikahiya kasi ikaw naman talaga ang totoong mahal ni Aiken at hindi si Kaye. Atsaka, diba si Kaye narin ang nagsabi na gawin mo yun?"

Napatigil ako sa pag iyak ko at tumingin ulit ako sa kanya. Oo nga. Tama siya. Wala akong dapat na ikahiya. Nag isip isip ako saglit at maya maya ay agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko saka ako umakyat sa sala. Pupunta ako sa kasal nila ni dude at ni Kaye.

          

"Saan ka pupunta?"

Lumingon ako kay Rhaine para sagutin ang tanong niya saka ko siya nginitian.

          

"Gagawin ko yung sinabi ni Kaye....."

Napangiti siya at alam kong natuwa siya sa sinabi ko. Dumeretso na ako sa kwarto ko para magbihis.

[Aiken's POV]

Nakatayo na ako ngayon sa harapan ng altar at nagsisimula na ang kasal. Nakatulala lang ako kaya hindi ko napapansin yung mga bridesmaid na dumadaan.

Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan nitong simbahan kaya nabaling ko dun ang atensyon ko. Nakakita ako ng babaeng nakasuot ng puting gown at may dala dalang bulaklak.

Pinagdadasal ko na sana si Altheah ang makikita ko pero hindi. Si Kaye.

Namangha ang lahat ng mga tao sa loob nitong simbahan at napanganga. Maliban sa akin.

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon