[Altheah's POV]
Haaaaayyyyyyy.
Sa awa ng diyos, nandito na kami ngayon sa loob ng van na sinakyan namin papunta dito. Hindi pa kami umaalis at nagpapahinga muna kami.
Eh kung kayo kaya ang palalakarin ng mahigit dalawang oras hindi ba kayo mapapagod?!
"Aalis na tayo guys. Athena, nasan na nga pala yung sinasabi mong hotel?"
Lumingon si Athena kay Vernon na nakaposisyon na sa harapan ng van at handa nang magmaneho. Nasa harapan kasi sina Rhaine at si Vernon at nasa likod naman sila ni Chrystel at TOP. Habang nasa gitna naman kaming tatlo ni Athena at Aiken.
"Dumiretso ka lang sa kalsadang to. Makakarating din tayo dun...."
So malapit lang pala yang hotel na yan dito? Tsk. Tiniis pa naming matulog sa gitna ng kagubatan tapos may hotel naman pala.
"Malapit lang ba yun, Athena?"
Nginitian naman niya si Vernon at tinanguan siya ni Athena.
"Oo malapit lang. Hindi aabot ng isang kilometro....."
Tumango tango lang kami sa sinabi niya. Mabuti naman kung ganun. Makakapagpahinga na kami ng maayos.
Nagsimula nang magmaneho si Vernon papunta dun sa hotel na sinasabi ni Athena habang tahimik na tahimik parin kaming lahat. Wala kaming ganang makipagdaldalan. Pagod kami.
"Teka lang guys. Diba wala tayong ibang damit kundi tong suot suot natin? Paano tayo makakapagbihis?" Tanong ni Rhaine kaya napalingon kaming lahat sa kanya.
"Problema pa ba yun? Edi bibili tayo."
Pairap na sabi ni Athena at tumingin ulit siya sa labas ng bintana. At may pairap irap pa talagang nalalaman tong batang to. Kung wala lang sana tong si Aiken dito na kuya niya baka natapon ko na yan sa daan. De joke lang.
Mga thirty minutes kaming tahimik na tahimik dito at maya maya ay huminto na ang van kaya alam kong sa wakas ay nandito na kami.
"Nandito na tayo...."
Napangiti kaming lahat at bumaba na. Pumasok kami dun sa hotel na sinasabi ni Athena at kukuha na sana ng kwarto yung mga kasama naming lalake pero nagulat ako nang biglang sumambat si Athena.
"Tatlong kwarto. Dapat malaki yung kama kada kwarto para makapag ano sila ng maayos at dapat din na may sariling CR. Intende?"
Pataray na utos ni Athena kaya tinanguan nalang din siya ng receptionist. Tahimik lang kaming mga babae pero nagtaka kami nang biglang ngumisi sila ni Aiken at Vernon habang nakatingin sa amin ni Rhaine.
Kumunot ang mga noo namin nang nakita namin si TOP na parang kinakabahan habang nakatingin kay Chrystel. Bakit ganyan sila makatingin? Gusto ba nilang upakan ko sila?
Tumingin si Athena sa amin ni Aiken, saka siya tumingin kay Chrystel at kay TOP, saka naman niya nilipat ang tingin niya kina Vernon at Rhaine na mas lalo pang nagpakunot ng mga noo namin.
"Teka. Bakit tatlo? Oo mahal ko si Chrystel pero ayaw ko pa siyang makasama sa iisang kwarto ng kaming dalawa lang! Mag aaral pa ako ng mabuti! Maghahanap pa ako ng trabaho! Ayoko pang magkapamilya!"
Kinakabahang reklamo ni TOP kaya napailing iling kami. Gago to. Pinalo ni Chrystel ang braso ni TOP habang tinitingnan siya nito ng masama.
"Shunga. Akin yang pangatlong kwarto. Sa tatlong babae yung isa at sa inyo namang mga lalake yung isa pa......"
Sabi ni Athena habang nakataas ang kilay. Inirapan pa niya kami at may binigay yung receptionist sa kanya saka namin pinuntahan yung mga kwarto namin. Pumasok na kami dun sa isa at humiga agad ako sa kama kasama sila ni Chrystel at Rhaine.
Haaaaayyyyy. Sa wakas nakapagpahinga narin ako ng maayos.
"Ano na kayang ginagawa ni VAL ngayon?" Tanong ni Rhaine na halatang nag aalala sa VAL niya.
"Ano na rin kayang ginagawa ng bebe Mhine ko ngayon? Ayos lang kaya siya?" Napalingon ako kay Chrystel at napailing iling ako.
Tong mga babaeng to. Ilang segundo pa nga silang nagkahiwalay ng mga boyfriend nila nag aalala na agad sila? Tapos ang lapit lapit lang naman ng mga kwarto namin ah? Ang dadrama.
"Kakahiwalay pa lang nga ninyo ng kwarto ng mga jowa ninyo namimiss niyo na sila kaagad? Hay nako kayo......"
Inis na sabi ko. Sabay silang lumingon sa akin at tiningnan nila ako na para bang nang aasar kaya kumunot ang noo ko.
"Sagutin mo na kasi si Aiken. Bakit mo pa ba kase pinapatagal yung pagsagot mo sa kanya eh kilalang kilala mo na naman siya?" Tanong ni Chrystel na para bang kinikilig pero napairap lang ako.
"Para narin magkalabel kayo..."
Napatingin ulit ako sa kanilang dalawa at napairap ulit ako. Anong pinagsasasabi nila? Paano ko siya sasagutin eh ang bagal kung makapanligaw?
Umupo ako sa kinahihigaan ko kaya yun din naman ang ginawa nila.
"Atsaka, kaunti nalang ang mga lalakeng katulad ni Aiken. Yung lalakeng maeffort at mapagmahal. Kaya wag mo na siyang sayangin....."
Sabi ni Rhaine habang nakangiti pero napairap lang ako. Bakit ba ito na ang pinag uusapan namin? Eh sasagutin ko naman talaga siya eh.
SOON.
"Syanga pala. Samahan niyo ako mamaya sa restaurant na nasa tabi lang nitong hotel. Gutom na kasi akech...."
Tinanguan nalang din namin si Chrystel at humiga ulit kami.
"Rhaine, okay na ba ang plano?"
"Okay na."
Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa kanilang dalawa na nakangisi pa. Anong——
Tatanungin ko na sana sila kung ano ba yung planong sinasabi nila pero hindi nalang ako nag aksaya ng panahon para gawin yun. Pagod na pagod na ako kaya magpapahinga nalang muna ako.
_______________________________
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Fiksi RemajaLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...