☁︎ CHAPTER 94 ☁︎

130 6 0
                                    

[Altheah's POV]

Nagising na ako at tiningnan ko ang paligid ng kwarto ko. Naramdaman kong inaantok pa ako kaya naisipan ko na matulog ulit. Yayakapin ko sana si dude pero nagtaka ako kung bakit wala nang tao sa tabi ko.

Binuksan ko ulit ang mga mata ko at umupo ako sa hinihigaan ko. Tiningnan ko ng maigi ang paligid ng kwarto ko at kumunot ang noo ko nang nakumpirma kong wala na nga siya dito. Saan na naman kaya pumunta yun?

"Nasan na kaya si dude?"

Inisip ko kung saan ba pwedeng pumunta si dude pero maya maya ay pumasok si yaya sa kwarto ko kaya inayos ko muna ang mukha ko. Lumapit siya sa kinauupuan ko habang hindi parin ngumingiti kaya nagtaka ako. May problema ba?

"Hinahanap mo ba si Aiken?"

Tinanguan ko lang si yaya bilang sagot at napansin kong parang nalulungkot siya kaya nagtaka ako.

"Umalis na siya kanina pa. Pero may iniwan siya para sayo."

Nawala ang ngiti ko dahilsa sinabi niya. Iniwan na naman pala niya ako. Sana pala sinulit ko yung mga oras na kasama ko pa siya kahapon. Napayuko ako at maya maya ay naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko.

"Altheah, kilala ko si Aiken. Alam kong mahal na mahal ka niya at babalikan ka niya. Kaya wag ka nang umiyak...."

Tumingin ulit ako kay yaya at pinahiran ko ang mga luha ko. Niyakap niya ako at tinapik tapik niya ang balikat ko para pagaanin ang pakiramdam ko. Maya maya ay binitawan na niya ako habang nakangiti.

"Pumapag ibig na pala ang alaga ko...."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Eh pano? Hindi ko to mapigilan eh. Sa kanya ako nahulog. At hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin ang taong kinaiinisan ko lang noon.

"Oh. Wag ka na ngang magdrama diyan. Tingnan mo nalang nga yang iniwan niya para sayo."

Sabi niya habang nakaturo sa mesa na nasa tabi ng hinihigaan ko kaya nagtaka ako. Napatingin din ako doon at nakakita ako ng laptop. Ano na naman bang paandar to Aiken?

"Lalabas muna ako ah. May gagawin pa kasi ako sa kusina..."

Tinanguan ko lang si Yaya at lumabas na nga siya ng kwarto. Nang nakasigurado na akong nakababa na siya ng hagdan ay agad kong nilapitan yung laptop at binuksan ko ito.

Nang nabuksan ko na ito ay may nakita akong dalawang video at nagtaka ako kung ano ang mga ito. Pinanood ko yung isang video at natawa ako nang nalaman ko kung ano ito.

Ito yung sinasabi niya dati na iniscreen record niya noong highschool pa lang kami. Yung nagvideo chat kami tapos nakatulog ako. Hindi pala talaga niya ito dinilete. Yung lalaking yun talaga.

Maya maya ay tiningnan ko naman yung isa at pinanood ko ito. Nakangiti ako nang hindi pa nagsisimula ang video pero nawala ang ngiti ko nang nakita ko sa video si dude na nakaupo lang habang nakayuko. Maya maya ay inangat na niya ang mukha niya at alam kong may sasabihin siya kaya nakinig naman ako ng mabuti.

"DUDE, alam kong nalulungkot ka na ngayon kasi iniwan kita habang tulog ka. Alam ko kasi na mas masasaktan ka lang kapag makikita ko akong umaalis at iniiwan ka. Kaya naisipan ko na aalis nalang ako nang hindi mo alam. Atsaka dude, babalikan naman kita. Hindi ako umuwi sa bahay namin para magpakasal kay Kaye, kundi para linawin ko sa kanila na ikaw lang talaga ang mahal ko at hindi siya. Dude, malalampasan din natin ang pagsubok nato. Laban lang....."

Tumulo na naman ang mga luha ko habang pinapanood ko si dude sa laptop. Nakangiti parin siya pero alam kong may sasabihin pa siya kaya hindi ko muna tinapos ang video.

"Huy. Alam kong umiiyak ka. Wag ka ngang umiyak. OA mo eh..."

Sabi niya habang natatawa pero alam kong naiiyak din naman siya pero pinipigilan lang niya. Si dude talaga.

"Atsaka, may nilagay nga pala ako diyan sa loob ng aparador mo. Tingnan mo nalang yun. Tingnan mo narin ang mukha mo sa salamin..."

Huh? Anong meron sa mukha ko? Agad kong kinuha ang salamin ko at tiningnan ang mukha ko.
Nakita kong may kiss mark ako sa pisngi ko kaya natawa ako. Kulay light pink pa ito at alam kong kay Aiken ito kasi alam kong naglilipstick siya ng kulay light pink. Bakla kasi yun.

Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pinapanood ko pero napag alaman kong tapos na pala yung video kaya nawala ang ngiti ko. Bumalik na naman ang lungkot ko at napatingin ako dun sa aparador.
Ano kaya yung sinasabi niyang nilagay niya dun?

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon